Ryza Cenon Nag-Post ng mga Nakakaaliw na Larawan ng Kanyang Baby Boy, Mga Netizens Cute na Cute kay Baby

Para sa isang ina ay kasiyahan na ang madalas na pagkuha ng mga larawan sa ating mga anak, lalo na nga kung ito’y sanggol pa lamang. Ito ay dahil na rin sa pagkagiliw natin sa kanilang ipinapamalas na kakyutan sa bawat araw na napagmamasdan natin ang kanilang paglaki.

Kagaya na nga lamang ng new celebrity mom na si Ryza Cenon, na hindi maitago kung gaano siya naaliw at nabibigyang kasiyahan ng kanyang baby boy.

Madalas ngang naggbabahagi ang aktres sa kanyang Instagram ng mga larawan niya kasama ang kanyang baby boy. At nito nga lamang nakaraan, ay muli siyang nag-post ng larawan nito, kung saan ay kitang kita na habang ito’y lumalaki ay mas lumalabas pa ang kakyutan nito.

“Big boy na ang baby naming”, ang naging caption ni Ryza sa larawan.

Hindi nga lamang si mommy Ryza ang giliw na giliw sa kanyang kyut na kyut na baby boy, dahil maging ang kanyang mga kapwa artistang kaibigan sa industriya at kanyang mga tagahanga ay nag-iwan rin ng kani-kanilang komento sa naging post niyang larawan ng kanyang baby, kung saan ay sinabi ng mga ito kung gaano sila naaaliw at nang-gigil sa kakyutan sa anak ng aktres.

Matatandaan na isinapubliko ng dating ‘Ika-6 na Utos’ star noong buwan ng Hulyo ng nakaraang taon na siya ay nagdadalang-tao na, at ang ama nga ng kanyang anak ay ang kasintahanniyang si Miguel Antonio Cruz.

Mula ng isiniwalat ni Ryza ang kanyang pagbubuntis, ay naging kaabang-abang na sa publiko ang pagtahak ng aktres sa pagiging isang ina. Inabangan rin ng marami ang kanyang nakamamangha sa gandang maternity photoshoot.

Masaya namang sinalubong ni Ryza at ng kanyang kasintahang si Miguel ang kanilang unang supling noong buwan ng Oktubre ng nakaraang taon, at ito nga ay isang kyut at malusog na baby boy.

Isa naman ang anak ni Ryza sa mga bininyagang sanggol ngayong taon, kung saan sa kabila ng intimate lamang ang binyagan ay nagawa pa ring makidalo ng mga ninong at ninang ng kanilang sanggol sa pamamagitan ng app na Zoom.

Ayon nga sa mga naging ulat, halos nasa 30-katao ang ninong at ninang ng baby boy ni Ryza, at karamihan nga sa mga ito ay mga showbiz personality na malapit sa aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *