RK Bagatsing At Jane Oineza, Pinag-Uusapan Kung In a ‘Relationship’ na Matapos Magpost ng Vacation Photo sa iisang Resort

Isa sa mga humored celebrity couple ngayon ay sina RK Bagatsing, 32 at Jane Oineza 24, ngunit sa kabila ng napag-uusapan na mayroong pagkakamabutihan sa pagitan ng dalawa, ay wala naman silang anumang pahayag na nagkukumpirma nito.

Mas pinag-usapan pa ang di umanoy pagkakaroon na ng relasyon nina RK at Jane, ng magkasunod ang naging pagbabahagi nilang dalawa ng kani-kanilang solo picture habang nasa bakasyon.
Una ngang nag-post ng kanyang mga larawan ang 24-taong gulang na aktres, kung saan ay makikita sa kanyang IG account noong ika-21 ng Pebrero ang naging pagbabahagi niya ng solo pic niya na na siya’y nakasuot ng two-piece swimwuit habang nasa labas ng isang floating cottage.

Kasunod nito, ay muli uli nagbahagi si Jane ng kanyang mga sexy photos sa Instagram noong ika-22 at 23 ng Pebrero na sa kaparehong floating cottage rin kinunan.
Samantala, araw ng Lunes at Martes naman ng i-upload ng aktor na si RK Bagatsing ang kanyang mga larawan, kung saan ay makikita na sa dalawang larawan na kanyang ini-upload noong araw ng Lunes ay nakasuot siya ng itim na pantalon at wala naman siyang suot na damit pang itaas ngunit habang nakatayo sa isang floating cottage.

Nu’ng araw ng Martes naman ay ang larawan niya na kuha mula sa loob ng cottage ang ini-uload ni RK, kung saan ay makikitang siya ay nakangiti habang papalapit sa taong nasa likod ng pagkuha sa kanya ng larawan. Mapapansin naman na ang background ng larawan ng actor, ay kuha mula sa labas ng isang floating cottage.

Naging agaw-pansin nga sa mga mata ng netizens ang mga uploaded photo nina RK at Jane, dahil sa tila ito’y kinunan sa parehong floating cottage. Pareho ring naka-tag sa mga ibinahaging larawan ng dalawa ang pangalan ng isang resort.

Kahit nga naman walang makikitang uploaded photo na magkasama sina Jane at RK, ay buo ang paniniwala ng kanilang mga tagahanga na magkasamang nagpalipas ng weekend ang humored couple sa nabanggit na resort.

Dahil nga sa mga lumabas na larawan na ito nina RK at Jane, ay mas lalo pang tumindi ang pagnanais ng marami, na malaman kung ano na nga ba ang real score ng relasyon ng dalawa. At ang iba nga ay nagawa ng i-komento sa mga post ng dalawa ang katanungan nilang ito.

Narito nga ang ilan sa mga naging komento;

“So, magkasama kayo ni Jane? Ano status niyo?”
“Sana pic naman with Jane ”
“Kasama mo ba si Jane diyan?”
“JANE OINEZA AND RK IN ONE PLACE”
“@janeoineza and @bagatsingrk kayo na ba? Spotted the same location on your post both.”

Wala naman kana Jane at RK, ang nagbigay kasagutan sa mga naging pag-uusisang ito ng mga netizens.
Matatandaan na nagsimulang ma-link sa isa’t isa sina RK at Jane ng magtambal sila sa teleserye ng ABS-CBN na Precious Hearts Romance Presents: Araw Gabi na umere sa telebisyon noong taong 2018.

Muling nagtambal ang dalawa noong taong 2020 sa romantic film na “Us Again” at romantic-comedy series na “I Got You” sa TV5.
Noon ngang huling buwan ng taong 2019 ay naging usap-usapan si Jane, ng madawit siya sa naging hiwalayan nina RK Bagatsing at ng longtime girlfriend nito. Ngunit, ang usapin ngang ito ay agad pinabulaanan nina Jane at RK.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *