Sa latest vlog ng aktres at sikat na vlogger na si Ivana Alawi, ay inilahad niya ang buong detalye sa kanyang karanasang hindi makakalimutan sa showbiz. Noong ika-10 ng Pebrero, araw ng Miyerkules sa kanyang vlog, ay natanong si Ivana kung may nakaaway siya sa showbiz. Dito na nga ibinunyag ng vlogger na wala naman umano siyang nakaaway ngunit may umaway raw sa kanya.
Photo credits: Ivana Alawi | IG
Sa paglalahad nga ni Ivana, ay nangyari umano ito noong 2019 sa kinabilangan niyang Kapamilya teleseryeng Sino ang May Sala?: Mea Culpa, na umere mula April hanggang August ng nasabing taon. Ayon sa kwento ni Ivana, ay napaiyak na lamang siya matapos ipahiya at pagsisigawan ng paborito niyang TV host sa harap ng ibang artista.
Ang insidenteng ito, ay naganap noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz kung saan nakasama niya ang kanyang PA sa taping. Ngunit, dahil puno na raw ang loob ng dressing room na kanilang kinaroroonan, ay lumabas umano ito,at sa labas nakiupo habang naghihintay. Bago naman raw umupo ang PA, ay nagpaalam muna ito. At dahil pumayag naman raw ang taong hiningan nito pahintulot, ay tuluyan na itong umupo.
Photo credits: Ivana Alawi | IG
Ilang sandali lamang nga ang lumipas, ay laking gulat ni Ivana nang bigla umanong sumugod ang paborito niyang TV host. Nang makita ni Ivana, ay ngumiti pa raw siya ngunit hindi niya akalain ang sumunod na eksena. Pinahiya at pinagsisigawan umano siya nito sa harap ng ibang artista.
At kahit nga nabigla sa nangyari, ay humingi umano siya paumanhin sa nasabing host. Hindi na nga napigilan pa ni Ivana ang maiyak na lamang. Pagkatapos nito ay tumawag siya sa kanyang ina upang ikwento ang nangyari.
Samantala, pagbabahagi ni Ivana, ay hindi raw niya maintindihan kung bakit kailangan pa raw siyang ipahiya at sigawan sa harap ng marami, kung pwede naman siyang kausapin ng maayos.
Sa huli, ay nilinaw naman ni Ivana na wala na siyang sama ng loob at naka-move on na siya sa nangyari. Hindi naman pinangalanan ni Ivana kung sino ang TV host na ito, at tanging clue na kanyang ibinigay ay initial na letter “M”.
Photo credits: Ivana Alawi | Youtube
Narito ang buong pahayag ni Ivana sa kanyang karanasan na kanyang inilahad sa kanyang vlog.
“Wala akong nakaaway. May nang-away sa akin. Pero ako, never ako nakipag-away sa kahit na sinong artista. Kasi kailangan mo rumespeto at kailangan mo makisama sa showbiz world and everything in the world.”
“Nag-i-start kasi ako noon sa ABS. Nagte-taping taping. Nandoon ako sa ‘Sino Ang May Sala?’ tapos nagkaroon ako ng parang guesting. Doon ‘yon sa ABS, nagte-taping. Tapos nakaupo lang ako sa dressing room. Marami kami roon kasi parang sama-sama kami sa dressing room na ‘yun. So ‘yung kasama kong PA, lumabas siya kasi hindi na siya kasya doon sa dressing room namin and kailangan lagi siyang malapit sa akin kasi siyempre kapag may kailangan ako, kapag magbibihis, mga ganoon. Lumabas siya tapos may nakita siyang upuan doon sa labas. Nagpaalam naman siya doon sa tao sa loob. Sabi niya, ‘Puwede bang makiupo lang?’ para malapit lang sa akin, as in tapat lang kasi siya. So sabi ng tao sa labas, ‘Oo naman sige, upo ka.’ So umupo siya roon. Nag-aantay siya kung tatawagin na kami o ano. …Tapos biglang may sumugod na batikang host.”
“Sumugod siya. Palagi ko siyang pinapanood noong bata ako kaya idol na idol ko siya. Noong nakita ko, parang napangiti ako tapos parang pinagsisigawan niya ako roon sa dressing room sa harap ng ibang artista. Tapos parang sabi ko, ‘Hala!’ Tapos sabi niya: ‘You! Why is your (personal assistant) in my room, ha? Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos.’ Ang dami niyang sinabi.”
“Tapos naalala ko ‘yung reaksiyon ko noon, ‘Sorry po, sorry po.’ As in sorry ako ng sorry. Tapos sobrang na ano ako kasi parang sa harap ng ibang artista, sobrang ipinapahiya ako as in.”
“Ako ‘yung inaway. Then hiyang-hiya ako noon. Umiyak ako noon tapos tumawag ako kay mama. Ang sabi niya, ‘Okay lang ‘yan. Hayaan mo na.’ Kasi wala naman talaga akong mali. Kaya hindi ko maintidihan bakit ako ang pinuntahan doon at pinagsisigawan sa harap ng ibang artista. Pero siyempre you still have to show respect and you still have to be professional. Sana kinausap na lang niya ako na ‘Oy, Ivana. Alam kong bago ka sa ganito pero bawal ka sa ganyan.’ Mas ma-appreciate ko ‘yon, ‘di ba? ‘Di naman ako mahirap kausap. Puwede mo naman ako tawagin. Sigawan mo ako ‘yung tayong dalawa lang. Pero sa harap ng maraming tao na wala naman akong ginawang masama? ‘Yun lang ang hindi ko malimutan. Isa sa mga experiences ko starting out in showbiz.”