Panganay na Anak ni Andi Eigenman na Si Ellie at Ama Nitong si Jake Ejercito Magkasamang Nag-Cover sa Isang Magazine

Muli na namang naging cover ng isang sikat na magazine ang panganay na anak ni Andi Eigenman na si Ellie. Kasama niya sa magazine cover na ito ang kanyang amang si Jake Ejercito.

Sa nasabing magazine ay nakapaloob ang modern way parenting, na siya ring kinalakihan ng mga Ejercito kaya naman bagay na bagay talaga sa kanilang mag-ama ang nasabing proyekto.

Ipinakita sa mga larawan na nasa magazine ang pagiging close ng mag-amang Ellie at Jake, at mapapansin nga sa panganay na anak ni Ellie, ang pagiging daddy’s girl nito dahil sa pagiging sweet nito sa kanyang daddy.

Agad namang ibinahagi ni Jake Ejercito sa kanyang social media account ang mga magagandang larawan nila ng kanyang anak na si Ellie. Kalakip ng mga nalarawan ay ang caption ni Jake na;

“You’ll see the most stereotypical guy bravely navigate the world of unicorns and rainbows all just to win his daughter’s heart.”

Kasama rin umano sa nasabing magazine ang dalawang kapatid ni Jake na sina Jerika at Jacob Ejercito, na proud ring ibinahagi kung paano silang pinalaki ng kanilang magulang. Dagdag pa ng dalawang kapatid ni Jake, pantay pantay ang trato ng kanilang mga magulang sa kanila, kaya naman talagang very proud sila na maging parte ng pamilya ‘Ejercito’.

Si Ellie Eigenman o sa tunay na buhay ay si Adrianna Gabrielle Eigenman ay ang panganay na anak ng aktres na si Andi Eigenman na isinilang noong buwan ng Nobyembre taong 2011. Ang ama nga ni Ellie ay dati karelasyon ng aktres na si Jake Ejercito.

Kahit nga magkahiwalay na sina Jake at Andi, ay sinigurado naman ni Jake na gagampanan niya ang pagiging ama niya sa kanilang anak, at maglalaan ng oras kada linggo, upang maka-bonding silang mag-ama.

Samantala, sa nasabing magazine nga kung saan ay nag-cover ang mag-ama, ay ibinahagi ni Jake ang kanyang naramdaman ng siya’y maging isang ama sa murang edad. Ayon nga sa kanya, hindi madali ngunit maituturing niya itong “very rewarding.”

Dagdag pa ng binatang Ejercito, na simula ng siya’y maging ama ni Ellie, ay mas bumilis ang pagiging “mature” niya, lalo na’t ginagampanan niya ang kanyang pagiging isang ama sa kanyang anak.

“I had to rethink my priorities and efforts and find the right balance with Ellie at the core of it all”, ani Jake.

Matatandaan nga na hindi masyadong nasubaybayan ni Jake ang naging paglaki ni Ellie, dahil noong formative years ng kanyang anak, ay nasa ibang bansa siya at tinatapos ang kanyang pag-aaral. Nang siya nga ay magbalik bansa na, ay 6-taong gulang na si Ellie, kaya naman upang makabawi sa pagkukulang sa anak at mapalapit sa kalooban nito, ay doble effort talaga ang kanyang ginawa.

Ibinahagi rin ni Jake, na sa naging pagdaan ng mga taon ay natutunan na nila ng dating karelasyon, na ina ni Ellie na si Andi Eigenman na balansehin ang pag co-parenting nila sa kanilang anak.

Ayon pa kay Jake, ang pagkakaroon ng “open communication” ang naging daan upang mapagtagumpayan nila ni Andi na mapalaki ng maayos ang kanilang anak na si Ellie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *