Anim na taon nang nagsasama bilang mag-asawa ang aktres na si Heart Evangelista at Sorsogon Governor na si Francis ‘Chiz’ Escudero, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng sarili nilang anak.
Matatandaan na minsan nang nagdalan-tao si Heart ng kambal, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ay nawala ang kambal sa loob pa lamang ng sinapupunan ng aktres. At matapos nga nito, ay hindi na muling nabuntis si Heart.
Photo credits: iamhearte | IG
At kamakailan nga, sa latest vlog ng tinaguriang Queen of Creative Collaborations na si Heart, ay matapang niyang sinagot ang mga isyu na kanyang kinakaharap magmula pa noon. Kabilang na nga rito pagbubuntis niya noon sa edad na 20 at ang pagiging chain smoker niya.
Photo credits: iamhearte | IG
Agad namang itinanggi ni Heart ang usap-usapang ito tungkol sa kanya. Saad nga ng aktres, ay hindi umano siya nabuntis at nagpakasal noon.
“Definitely, no. But if I had a baby, whether when I was your or whether I was expecting or not, I always believe that a baby is a blessing,”pahayag ni Heart patungkol sa kanyang pagbubuntis.
Samantala, itinanggi rin ng aktres na nagpakasal siya noon. Ayon pa nga rito, ay hindi siya nagpakasal noon ngunit ilang beses na niyang naisip ang magpakasal.
“No, I was never married before. But I thought of getting married a couple of times.”
Photo credits: iamhearte | IG
Nakakuha rin siya ng singsing, ngunit promise ring lamang ito.
“I did get a ring, but it was just a promise ring. It was shaped like a heart, and they used three diamonds cut to be shaped like a heart — like an illusion diamond.
“And I remember when I got my engagement ring, it was a whole shaped diamond ring. And then I remember Chiz (Escudero) said, ‘Oh! Buo na yan!’ I found that cute, and it was funny.”
Inamin rin ni Heart na noong kabataan niya ay nayosi siya, ngunit nahinto umano ito noong pagtuntong niya ng 25 taong gulang. Ito nga ay dahil hindi raw maganda ang dulot nito sa kanyang kalusugan. Dumaan lamang ito sa buhay niya, ngunit hindi siya naging chain smoker.
“But that was just a phase. And when I got older, I think around 25, I started to become paranoid about my health, and that’s when I began to get a little anxious about anything health-related.
“I was never a chain smoker, and I only did it when I was partying with friends. But yeah, I stopped doing it because it’s not so nice, and you’d smell horrible too. And it makes you look old!”
Maging ang tsismis sa hindi nila pagsasamang matulog sa isang kwarto ng kanyang asawang si Chiz at hindi pagtatabi sa isang kama, ay sinagot rin ng aktres. Pag-amin pa ni Heart, dahil abala sa kanyang tungkulin bilang public servant si Chiz, ay bihira umano silang magkasama.
Photo credits: iamhearte | IG
Aniya,“Of course we share the same room! Minsan minsan na ng lang kami magsama, ‘di pa kami magshe-share?”
Samantala, may usap-usapan rin na ayaw umanong mabuntis ni Heart, dahil takot umano ang aktres na mabago ang katawan kapag nanganak.
Bagay na inamin naman ng aktres,“To be honest with you, I am because this is my job, I am not going to deny that.”
Ibinahagi rin ni Heart na kung baby lang ang pag-uusapan, ay nais niya talagang magkaroon ng sariling anak. Ngunit, dahil nga palaging abala ang asawang si Chiz, at bihira umano silang magkasama ay wala silang panahon upang makabuo. Pagbubunyag pa nga ng aktres, sa tuwing umuuwi raw ito, ay tapos na yung week na fertile siya. Bagama’t, nahihirapan nga na muling makabuo at mabuntis, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Heart.
Photo credits: iamhearte | IG
“But for me not to want to have a baby because of that, it’s a no. Parang hindi naman ganu’n kagrabe. That was my fear before, but the moment I got pregnant, welcome ko naman siya, so I know it’s not an issue for me.
“Malapit na! After ng pandemic, mag-o-option C na ako. Nag-B na ako, so C na ako. Bigyan lang natin ng chance. Kasi nga, kapag dumarating na si Chiz, tapos na ‘yung week na fertile ako. Nakakainis!
“You know, it’s not easy to get pregnant, ha! You only have a few days, the window is three to five days. Pero kapag nagkabagyo at nandu’n si Chiz, o, selfish ba ako? Pag nandu’n siya, magda-drive ba siya dito ng nine hours para nandito siya sa window na fertile ako?
“Mahirap talaga ang situation pero after the pandemic, maghintay lang kayo. And stop asking if I am buntis or if I have a baby bump kasi BonChon nga lang yan!
“Sometimes it makes me sad, but I’ve accepted it because I am grateful for my life, and I know it will happen!” mahabang pahayag ni Heart.