Sa mundong ibabaw ay marami tayong mga nakamamanghang bagay na nakikita, at ang iba pa nga ay ngayon lang natin natutuklasan.
Tunay ngang maraming mga bagay sa mundo ang tila napaka-imposible paniwalaan, ngunit sa kabila nito, ay sadya nga talagang puno ng hiwaga at iba’t ibang mga nakakabilib na bagay ang ating mundong ginagalawan.
May ilan namang mga nakakamamanghang bagay sa mundo na sa kabila ng ating mga katanungan, ay nabibigyan agad ng kasagutan, ngunit may ilan din na, kinakailangan pang pag-aralan ng siyensa upang mas lalong maintindihan, at mabigyang sagot ang tungkol sa iba pang mga kamangha-manghang nakikita natin sa ating kapaligiran.
Isa na nga sa mga katanungan at labis na ipinagtataka ng maraming tao, mula sa iba’t ibang panig ng mundo, ay ang kamangha-manghang pangyayari, na sa kabila ng parehong tubig at karagatan ang Pacific at Atlantic Ocean, ay bakit hindi naghahalo o nagsasama ang tubig ng mga ito.
Iba’t iba nga ang nagiging eksplenasyon ng mga tao, patungkol sa pangyayaring ito, kung saan maging ang siyensya ay may sarili ding ginawang pag-aaral, na nagbigay eksplenasyon tungkol dito, kung paano at bakit naging posible ang ganitong pangyayari.
Base nga sa naging pag-aaral ng siyensya, kaya hindi nagtatagpo ang dalawang malalaking karagatan sa mundo ay mayroon itong “hindi nakikitang boundary”, na tinatawag ngang “Ocean Clines.”
Maliban pa nga sa boundary na ito, isinaad din ng siyensya, na may pagkaka-iba ang water contents ng dalawang karagatan. Magkaiba rin umano ang density, chemical make-up, label ng salinity ng Pacific at Atlantic Ocean, kung saan ayon sa siyensya ang tawag dito ay “Haloclines.”
Isa nga sa mga ebidensya kung bakit hindi naghahalo ang dalawang karagatan na ito, ay dahil sa salinity factor ng mga ito, at sa kadahilanan din na ang isa ay 5-beses na mas maalat ang tubig kumpara sa isa.
Base nga sa mga naging ulat, si Jacwue Coustes na kilala bilang isang explorerang siyang nakadiskubre at nakapansin sa pangyayaring ito.
Nagda-diving umano si Jacques sa “Gibraltar strait”, ng ilang mga sandali, habang siya ay lumalangoy ay napansin niya na naghihiwalay ang tubig, at ito nga ay dahil sa isang transparent film.
Sa naging karagdagang ulat naman ng National Geographic, isa pa umanong dahilan kung bakit hindi nagagawang maghalo ng dalawang karagatan at bakit magkaibang pwersa ang direksyon ng Atlantic at Pacific Ocean ay dahil sa “Inertia powered b Coriolis Force”.
Marami mang mga bagay sa mundo ang hindi maipaliwanag, sa tulong ng sensya ay nabibigyang linaw naman ang mga ito, sa pamamagitan ng masusing pag-aaral.