“Now, Family Comes First”: Baron Geisler, Ibinahagi ang Malaking Pagbabago sa Kanyang Buhay Magmula nang Maging Isang Ganap na Ama sa Kanyang Napakacute na Baby Girl

Mula sa pagiging maangas, ngayon nga ay isa ng mabuti at responsableng asawa at ama ang aktor na si Baron Geisler. Magmula nga ng magkaroon ng pamilya, at masilayan ang kanyang napakacute na baby girl na si Tali na anak niya sa kanyang asawang si Jamie Evangelista, ay napakalaki ng nabago sa buhay ni Baron.

Nang makapanayam ng ABS-CBN, ay ibinahagi ni Baron ang malaking pagbabago sa buhay niya matapos maging isang ganap na ama.

“Now, family comes first,”




ito na nga ang linya ni Baron. Dahil ngayon nga, ay mas prayoridad niya ang kanyang pamilya higit sa anumang bagay. At ngayon nga na isa na siyang ganap na ama kay Baby Tali, ay ginagawa niya ang lahat upang magampanan ang tungkulin ng isang mabuting ama.

Photo credits: Baron Geisler | IG

Ngayon ay masayang namumuhay si Baron sa Cebu kasama ang kanyang asawa at anak. At sa mga panahong nawala si Baron sa showbiz at mamuhay ng simple, ay natutunan niya kung paano maging mapagkumbaba at malaman ang tunay na kaligayahan.

“Sinubukan ko ang simpleng buhay sa Cebu. Sobrang simpleng buhay. It kind of worked. Nakatulong siya na magpa-humble sa akin.”

Maliban rito, ay inamin rin ni Baron na natutunan rin niya ang maging kontento sa simpleng pamumuhay.

“I learned how to live a simple life. You don’t need a lot to be happy. As long as you have a roof above your head, food on the table, shoes. Even air-conditioning, bonus na lang ‘yan. And good friends are important.”

Marami rin siyang natutunan si Baron sa nakaraang taong 2020 lalo na pagdating sa pamilya at pagiging isang magulang. Para nga sa aktor, ay mas mahalaga ang pamilya higit sa anumang bagay. Sa kabila naman ng hirap na nararanasan, ay itinuturing ni Baron na isang biyaya ang taong 2020.

“Now, family comes first. More than any material things, family is the most important thing in the world.”
“I consider 2020 as a blessing in disguise. Marami akong natutunan. I got to take care of my daughter. Naging hands-on pa kami ng asawa ko, si Jamie.”

Photo credits: Baron Geisler | IG

At ang pandemya nga, ang nagturo sa kanya kung paano maging isang responsable at ulirang ama sa kanyang anak. Ayon nga kay Baron ay mas lalo pa niyang nakilala ang kanyang sarili.

“Magkano na ang gatas ngayon? I would monitor and say, ‘Dalawang lata na lang ito. Kailangan nating bumili.’ I think mas nakilala ko rin ang sarili ko last year. I read a lot of books. Itong nangyari sa atin in this pandemic, dito mo mate-test ang character ng isang tao.”




Napatunayan rin ni Baron na hindi nahpapabaya ang Diyos, dahil kahit pandemya ay hindi sila nawawalan ng hanapbuhay upang matustusan ang pang-araw-araw na gastusin.

“Ang pangkabuhayan ko, whenever I pray, God answers. The universe provides. A miracle will happen. May pambili ako ng gatas at diaper para kay baby Tali.”

Photo credits: Baron Geisler | IG

Binigyang-diin rin ni Baron, na ang Baron na nakilala noon ng publiko, ay malayong malayo na sa Baron na nakikita ng tao ngayon. Ito nga ay dahil isa na siyang mabuti at mapagmahal na haligi ng tahanan ng kanilang pamilya.

“Yung character ko ngayon, hindi na ako maangas. Maybe, kailangan ko ang angas na ‘yan kapag kailangan ng pamilya sa pagbanat ng buto. Dahil may pamilya na ako, ayoko na ng gulo, for the sake of my wife and daughter.”

“As much as possible, kung may maghahamon sa akin, tatakbo na lang siguro ako. Ayoko na ng kaaway, especially kung kaibigan natin.”