‘New Look’ ni Dawn Zulueta sa Kanyang Ginagawang Dress-Up Challenge Umani ng Paghanga sa mga Netizens

Isa sa mga aktres sa showbiz na may pinakamagagandang mukha noon pa man hanggang ngayon, ay ang well-known actress na si Dawn Zulueta. Sa kabila nga ng kanyang umaangat ng edad, ay ilang beses na niyang pinatunayan na ang kanyang angking ganda ay hindi pa rin kumukupas.

At nito nga lamang nakaraan ay muling ipinamalas ni Dawn sa kanyang mga tagahanga at sa maraming mga netizens ang walang kupas niyang ganda at pati na rin ang kanyang ‘creativity’ sa pag-aayos ng sarili.

Makikita nga sa Instagram post ni Dawn kamakailan lamang, ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan na nagpakita ng kanyang bagong ‘new look’, na ayon nga sa kanya, ito ay ang magiging hitsura niya sa kanyang magiging matinik na bagong karakter sa isang pelikula.

“I enjoyed watching this h3ist comedy film about a very ‘talented’ group of women,” ang naging saad nga ng aktres.

Hindi naman ibinahagi ni Dawn kung sinong karakter nga ba talaga ang kanyang ginagaya , ngunit sa kabila nito, ay nag-iwan naman siya ng clue kung sino nga ito, sa pamamgitan ng isang linya mula sa isang pelikula.

“Hey. No one’s going to j@il”, dagdag na saad pa nga ni Dawn sa kanyang IG post.

Kung atin ngang matatandaan ay ilang beses ng pinamangha ni Dawn ang kanyang mga tagahanga at mga netizens sa kanyang mga ginagawang dress up ng mga karakter sa mga sikat din na palabas, katulad na nga lamang ng pelikulang ‘Bridgertin’ at ‘The Queen’s Gambit’.

Sa ngayon nga ay makikitang nag-uumpisa na si Dawn Zulueta ng kanyang sariling dress-up challenge.
Madalas na nga niyang ibinabahagi sa kanyang social media account ang kanyang mga larawan kung saan siya ay naka-dress up, na kadalasan nga ang mga ito’y nakukuha niya mula sa mga karakter sa mga pelikula sa Netflix.

Ayon nga sa naging pagbabahagi ni Dawn, ay talagang kinagigiliwan niya ngayon ang pagbibihis bilang mga karakter sa mga napapanood niyang palabas. Ito rin umano ang naisip niyang paraan, upang hindi masayang ang iba niyang mga gamit, lalo na ang kanyang mga damit.

“I’ll say cleaning out my drawers and closets [has] become a fun dress-up sport for my favorite Netflix series.”

Ilan na nga sa mga karakter na ginamit ni Dawn sa kanyang ginawang dress-up challenge ay sina Beth Harmon mula sa palabas na Queen’s Gambit, Princess Margaret ng The Crown Queen, Elizabeth II ng The Crown Lady Whistledown na mula sa Bridgeton, isa sa mga hinahangaan at popular na palabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *