Connect with us

Business

Nakamamangha ang isang pinoy worker na dating janitor lamang, na ngayon ay nagmamay-ari na ng sarili niyang restaurant sa Australia

Ang pagiging masipag at matiyaga ang kadalasang nagiging puhununan ng mga pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa. Tinitiis nila ang kanilang pangungulila sa kanilang mga pamilya upang magkaroon lamang ng magandang kinabukasan ang mga ito.




Narito ang kwento ng isang Pinoy worker sa Australia na may sipag at tiyaga ang pinuhunan upang maabot ang kaniyang pangarap.

Photo Credits: John Andrew Dangca | Facebook 

Ito ang kwento ni John Andrew Dangca, 25 years old na taga Dasmariñas, Cavite. Sa edad na 19 na taong gulang nagsimula ang pakikipag-sapalaran ni Andrew sa bansang Australia nang kunin siya ng kanilang malapit na kamag-anak upang makapag-trabaho doon.

Hindi naging madali buhay ni Andrew sa Australia dahil madalas daw siyang makaramdam ng homesickness. Ngunit sa kaniyang kagustuhan na matulungan ang kaniyang pamilya ito ay kaniyang tiniis. Nagsumikap siyang magtrabaho pati na rin ang pagiging isang janitor ay kaniyang pinasok upang matulungan ang kaniyang pamilya sa Pilipinas.

Photo Credits: John Andrew Dangca | Facebook 

Ayon kay Andrew, bilang isang janitor naglilinis di-umano siya ng sa mga hotel, shopping malls, opisina at kahit sa mga bahay. Sa kabila ng kaniyang pagsusumikap sa trabaho nagawa pa rin ni Andrew na makapag-aral at matapos ang kursong kaniyang kinuha. Sa pagtitiyaga ni Andrew sa kaniyang pag-aaral habang siya at nagtatrabaho nagbunga ng maganda ang kaniyang pagsusumikap dahil naging isang assistant siya sa isang aged care facility.




Nagkaroon man ng magandang trabaho si Andrew hindi niya pa rin binitiwan ang pagiging isang janitor. Sa kagustuhan na kumita ng malaking halaga upang maipadala sa kaniyang pamilya, naranasan ni Andrew ang palipat-lipat ng trabaho hindi lang iisa ang kaniyang nagiging trabaho sa isang araw.

Photo Credits: John Andrew Dangca | Facebook 

Kwento pa ni Andrew halos sa mga sasakyan na raw siya nakakatulog sa sobrang pagod nito sa pagtatrabaho at ito na lamang ang kaniyang nagiging pahinga dahil pagkatapos pa nun ay didiresto na siya sa susunod niyang trabaho. Kaya talagang napakahirap na kaniyang naging buhay sa Australia. Kaya lahat ng pagsasakripisyo ni Andrew sa kaniyang pagtatrabaho ay nagbunga ng may mas magandang resulta, dahil unti-unti niyang nakuha ang kaniyang pamilya at nanirahan na rin sa Australia.
At hindi lang iyon ang naging bunga ng kaniyang pagsisipag at pagtitiyaga dahil si Andrew ay nagkaroon lang naman ng sarili niyang negosyo na restaurant ito ang kaniyang “Salu-Salo” restaurant na matatagpuan sa Canberra, Australia. Ang kaniyang negosyo ay nagsimula ng kumita noong nakalipas lamang na taon. Naging sulit ang puhunan ni Andrew na sipag at tiyaga dahil naabot niya ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang sarili at higit sa lahat ay para sa kaniyang pamilya.

Photo Credits: John Andrew Dangca | Facebook 

Tunay ngang walang impossible sa taong may sipag at tiyaga na maabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Nawa’y ang kwento ni Andrew ay maging isang inpirasyon sa bawat tao, lalo pa’t hindi ganoon kadali ang magtrabaho sa ibang bansa.




Pahalagahan nawa ng bawat kabataan ang mga pagsasakripisyo ng kanilang mga kapamilya na nagtatrabaho sa ibang bansa upang magkaroon lamang sila ng magandang kinabukasan.

error: Content is protected !!