Nakakalulang Halaga na Properties, Malaking Halaga ng Pera at Malawak na Lupain, Ang Engrandeng mga Regalo na Natanggap ng Isang Bagong Kasal sa Tagum City

Ang pagpapakasal ay isa sa mga pinakamahalaga at pinakamasayang pangyayari sa buhay ng mga mag-asawa. Ito ay dahil sa pinaniniwalaan natin na ang dalawang nagmamahalan bago magsama o gumawa ng kanilang pamilya, ay kinakailangan munang mabendisyunan ng ating Poong Maykapal sa pamamagitan ng isang sagradong seremonya na tinatawag nga nating

Photo Credits: Google.com

“Kasal”.

Ngunit sa panahon ngayon kung saan ay nakakaranas ang marami sa atin ng krisis ng kahirapan, ay tunay na isang malaking hamon ang pagpapakasal, lalo pa’t pagkatapos ng kasal ay isang malaking obligasyon at responsibilidad na ang kahaharapin ng mag-asawa sa kanilang buhay.

Marami nga sa magkarelasyon, ang bago ,magpakasal ay pinag-iipunan muna ang lahat ng bagay na kinakailangan nila sa kanilang buhay kapag sila’y nag-asawa na at nagkapamilya. Ang iba ay pinag-iipunan ang kasal, sunod ay bahay. Ang iba naman ay inuuna munang pag-ipunan ang bahay, bago pa man ang pagpapakasal.

Ngunit sadya nga namang may mga tao talagang ipinanganak na maswerte sa buhay, na hindi na kinakailangan pang paghirapan ipunan ang mga bagay na kanilang kinakailangan, dahil sa ito’y ibinibigay lamang sa kanila.

Photo Credits: Google.com

Katulad na nga lamang nito ang bagong kasal na mula sa isang lugar sa Tagum City, na ang mga natanggap na regalo sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay puro mga engrande at talagang tila wala na silang iisipin pang problema pagkatapos ng kanilang kasal, dahil sa lahat ng mga regalong kanilang natanggap ay para sa kanilang kinabukasang mag-asawa.

Kamakailan nga lamang ay naging agaw-pansin at talagang pinag-usapan sa social media ang naging post ng isang netizens na si Ma Arlyn Colindres Castillo.

Marami ngang mga netizens ang napa-Sana All sa post niyang ito, paano ba naman ay limpak-limpak at engrandeng mga regalo ang natanggap ng bagong kasal na sina Mr. and Mrs. Marvin and Keesha Lupio, na mula sa lugar sa Tagum Davao del Norte.

Photo Credits: Google.com

Kabilang nga sa mga nakakalulang regalo na natanggap ng nasabing bagong kasal ay ang nakakalulang mga ari-arian na milyones ang halaga at ubos sa laking halaga na mga cash gifts.
Dahil nga sa labis ang pagmamahal ng mga magulang nina Marvin at Keesha sa kanila ay isang engrande at elaganteng kasal ang ibinigay nito sa kanila. Samahan pa nga ng mga nakakalulang mga regalo, na paghahanda na rin para sa kinabukasan nilang mag-asawa, at ng kanilang magiging mga anak.

Photo Credits: Google.com

Hindi nga napigilan ng maraming mga netizens sa social media ang mapa-Sana All, dahil sa kanilang pagkamangha sa nasabing kasal.

Ang ibang mga netizens pa nga ay nagbiro sa kanilang mga naging komento, na kung sila ay ikinasal ay nais nilang kunin na ninong at ninang ang mga magulang ng bagong kasal dahil sa pagka-elegante ng mga ito.

Narito nga ang ilan sa mga nakaka-aliw na komento ng mga netizens;

“Thise happens when parents are so prepared for their children’s future”

Meemee Sosito

“Hayss mapapa-SANA ALL ka na lang talaga, Hi kay tita at tito sa kasal ko po sana Ninong at Ninang kayo”

Hanna Grasya

“Sana lahat ng parents mayaman katulad nito. Hehe napakasarap sa feeling kapag ganyan’

Estephanie Estel

Samantala, talaga namang kamangaha-mangha ang mga larawan na kuha sa naging pag-iisang dibdib ng bagong kasal. At ang naging caption pa nga sa kanilang mga larawan na ibinahagi sa social media ay ganito;

“The Most Trending Wedding in Tagum Davao del Norte I’ve heard so far… TORRES – LUPIO NUPTIAL.. held @ Sea World Oasis Resort, Pantukan Dvo. De Oro.”

Ang mga regalo ngang natanggap ng bagong kasal mula sa kanilang mga magulang na talagang napa-sana all ang maraming mga naetizens ay ang bahay na nagkakahalaga ng 10-milyong piso, lupain na mayroong 2,000 sq. meter ang lawak, cash gift na ang halaga ay umabot sa 20,000 USD.
Maliban pa dito ay umabot rin sa P68000 cash gift ang natanggap ng bagong kasal mula sa kanilang mga ninong , ninang, kamag-anak at mga kaibigan.

Photo Credits: Google.com

HAYS Sana All Talga..

Congratulations MR and MRS Marvin and KEESHA LUPIO!!!