Connect with us

Stories

Nakakabenta sa daan ang mga kalalakihang ito ng 100 tasang kape sa isang araw, dahil sa kanilang Pop-up Coffee Stand

Sa pagsisimula ng isang negosyo kinakailangan talaga ang sipag, tiyaga at deteminasyon upang umasenso sa buhay.




Kailangan ang hindi pagsuko sa lahat ng hamon upang umasenso ang isang negosyo. Kagaya na lamang ng mga kalalakihang ito na nagsimula ng kanilang negosyo sa tabi lamang ng kalsada. Tungahayan natin ang kanilang kwento kung paano sila umasenso sa kanilang kakaibang konsepto ng pagne-negosyo.

Photo Credits: Facebook.com 

Ang magkapatid na sina Johndoe at Kim Martin Gallegos kasama ang kanilang pinsan na si Bill Lawrence Estacio ay nagbukas ng Coffee Bros sa may Candaba-Baliuag Road sa Pampanga nito lamang na nakalipas na Disyembre. Ang kanilang negosyo ay isang Pop-up Coffee Stand na sa tabi lamang ng kalsada kung saan ang backdrop ay isang malawak na palayan. Tamang tama ito sa mga taong dumadaan sa kalsada dahil ang kanilang opening hours ay 5:00 hanggang 9:00 ng umaga at mas pumatok ito lalong lalo na sa mga taong mahilig magkape.

Photo Credits: Facebook.com 

Kaya nang ibinahagi ito ni Johndoe sa kaniyang Instagram, marami ang nahalinang puntahan ang kanilang Pop-up Coffee Stand. Ayon kay Johndoe, nagsimula lang di-umano sila sa tatlong customers at ito pa ay kanilang pang mga pinsan.




Ngunit hindi sila sumuko mas lalo pa silang nagpursige na ipagpatuloy ito. Dahil di-kalaunan marami na rin ang tumangkilik ng kanilang ibinebentang masarap na kape kaya mabilis na lumago ang kanilang negosyo. Mula sa pagiging coffee stand lamang, ngayon ay mayroon na silang isang mesa na may mga upuan sa isang maliit na pop-up kiosk.

Photo Credits: Facebook.com 

Ang kanilang mga ibinebentang mga kape ay nagmula pa sa mga lokal na produkto ng ng Hilagang Luzon, particular ito sa Sagada, Baguio, at Kalinga. Kaya halos nakakabenta sila ng 100 na tasa ng kape sa isang araw lamang. Ang paggawa nila Johndoe sa kanilang ibinibentang kape ay ginagamitan lamang ng manual. Kahit na ganito lamang ang kanilang negosyo ay nag-eenjoy daw sila dahil marami ang mga taong namangha sa ginagawa nilang kape.

Photo Credits: Facebook.com 

Ayon pa kay Johndoe, mas nabibigyan halaga ang mga lokal na produkto ng kape at ito ay naipapakilala kung gaano kasarap ang gawang lokal.




Kung kaya’t ang kanilang negosyo ay nag-viral sa social media dahil marami ang namangha sa kanilang kakaibang konsepto ng pagne-negosyo lalo pa’t ito ay may magandang tanawin na makikita.

Photo Credits: Facebook.com 

Ang kanilang kwento ay naging isang inpirasyon sa maraming taong gustong magsimula ng kanilang sariling negosyo. Dagdag pa ni Johndoe, para sa kanila sila ay naging matagumpay na dahil marami silang taong na-inspired ng kanilang determinasyon sa buhay.

error: Content is protected !!