Connect with us

Entertainment

Estudyanteng Nakatulog sa Kalagitnaan ng Kanilang Online Class, Viral sa Social Media

Dala ng pagbabago dahil sa pandemiya nagkaroon din ng pagbabago ang edukasyon ng bawat mag-aaral ngayon. Nariyan yun tinatawag na blended learning o yung tinatawag na modular approach at online classes.

Online class gamit ang Zoom Meeting application na ginagamitan ng internet ang halos ginagamit ng karamihang mga estudyante ngayon. Dahil na rin sa ipinagbabawal pa ang face to face classes kaya nauuso ang paggamit ng mga ganitong klaseng application. Naitataguyod pa rin ang klase kahit na nasa ibat’ibang lugar ang mga mag-aaral. Kagaya na lamang ng naging karanasan ng isang estudyanteng nag-viral ngayon sa social media dahil sa nakakatuwang nangyari sa kaniya habang sila ay nagkaklase.

Siya ang estudyanteng si Renz Jay Tanginan, ayon sa kaniya ito ang pangyayaring hindi niya malilimutan dahil naging nakakatawa ang kaniyang karanasang ito. Nakatulog di-umano siya habang nagkaklase sila sa kanilang online zoom meeting. Dagdag pa ni Renz, hindi niya daw na-off ang kaniyang camera nakalimutan niya itong ioff habang siya ay nakikinig ng kanilang klase. Kaya habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang klase hindi niya namalayan na siya ay nakatulog na pala. Kung kaya’t nakita na kaniyang mga kaklase na siya ay natutulog na habang may diskusyon ang kanilang guro.

Si Renz mismo ang nagbahagi ng kaniyang nakakatawang karanasan sa kaniyang facebook account na nilagyan niya ng caption na, 

“may zoom meeting pa pala nakatulog na ko.” 

 

Inupload din niya ang mga screenshot messages sa kaniya ng kaniyang mga kaklase na sinusubukan siyang gisingin at ipagbigay alam sa kaniya ang nakakahiyang nagaganap sa kaniya.Ipinakita din mismo ni Renz ang aktwal niyang larawan sa zoom screen ng kaniyang kaklase kung saan sarap-sarap siya sa kaniyang pagtulog.

Photo Credits: Renz Jay Tanginan | Facebook

Sa tingin pa ng kaniyang mga kaklase siya ay tila humihilik pa mabuti na lang na naka-off ang mic ng kaniyang cellphone dahil kung hindi mas lalong nakakahiya kung maririnig na siya ay humihilik talaga. Dahil sa kaniyang nakakatawang karanasan umani siya ng samu-samu’t saring reaksiyon na tila kinaaliwan siya ng mga netizens.

https://www.facebook.com/arjayismyname11/posts/4006026039421751

error: Content is protected !!