Connect with us

Stories

Mga Netizens Namangha sa Naging Make-Over ng Isang Basurero, Pang-Modelo ang Naging Awrahan nito ng Mabihisan, Maayusan at Magupitan

Agad na nag-viral sa social media ang isang basurero na taga Angeles, Pampanga, ito ay matapos lumabas ang kanyang napaka-gwapo at pang-modelong mukha ng siya ay maayusan, magupitan at mabihisan.




Ang nasabing basurero ay kinilalang si Dennis Pascual, at ang naging kahanga-hangang transformation niya ay ginawa ng isang hair and make-up artists na si Richard Stranz, na may-ari ng isa sa mga kilalang salon sa Angeles City, Pampanga.

Sa naging pahayag ni Richard, ay madalas niyang nakikita sa kalye malapit sa kanyang salon si Richard, dahil sa ang hanap-buhay nito ay ang pangangalakal ng basura.

Kamakailan nga lamang, ay ng masilayan ng malapitan ni Richard ang hitsurang taglay ni Dennis, ay kanyang napagtanto, na mayroon itong potensyal na maging isang modelo, lalo pa nga’t nakita ang pagkakahawig nito sa Hollywood actor na si Chris Patt.

Kung ating matatandaan si Chris Patt ay ang gumanap bilang Avengers’ Star Lord sa serye na “Guardians of the Galaxy” sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe (MCU).

Dahil likas kay Richard ang tumulong sa iba, lalo na’t galing rin siya sa hirap at naranasan niya rin ang maging isang mangangalakal, ay naisipan nitong tulungan si Dennis, sa pamamagitan ng pag make-over dito, sa pag-asang mas makakahanap ito ng maayos-ayos na trabaho kapag naging maayos at presetable ang hitsura nito.

Matapos nga niyang kausapin si Dennis, at sumang-ayon ito sa kanyang gagawing make-over dito, ay sinimulan ng hair and make-up artists ang make-over niya kay Dennis.

At ng matapos nga ang ginawa niyang make-over sa nasabing mangangalakal ay masayang ibinahagi ni Richard sa lahat kung gaano nasiyahan si Dennis sa pagbabagong nakita nito sa kanyang sarili, dahil sa make-over na ginawa. Mas naging kumportable rin umano ito, matapos nitong magupitan at maayusan.

Samantala, habang ginagawa naman ni Richard ang pagmake-over kay Dennis, ay nagkaroon siya ng pagkakataon na maka-kwentuhan ito patungkol sa buhay nito. At dito nga napag-alaman ni Richard, na 7-taon pa lamang umano si Dennis ng mawalay ito sa kanyang pamilya, kaya wala itong masyadong maalala patungkol sa kanyang pamilya. Ito rin umano ang dahilan kung bakit naging palaboy-laboy ito sa kalye at nagging mangangalakal ng basura.

Sinigurado naman ni Richard na maliban sa make-over na ginawa niya para kay Dennis, ay binigyan niya rin ito ng makakain at ilang mga damit na maari nitong maisuot matapos nga ang naging transformation nito.




Ayon pa sa kanya, ay plano niyang i-enroll si Dennis sa isang gym, upang ma-maintain ang kakisigang taglay na nito, bilang paghahanda sa posibilidad na makapsok ito sa mundo ng pagmo-modelo.

Marami naman sa mga netizens ang talagang namangha sa malaking transformation ni Dennis, na talagang kamangha-mangha dahil sa lumabas nga ang mala-modelo nitong mukha. Hinangaan at pinuri rin ng marami ang hair at make-up stylist dahil sa kabutihang ginawa nito para kay Dennis.
Para naman kay Richard, iba ang saya na kanyang nararamdaman kapag siya ay nakatutulong sa iba, lalo na sa mga taong batid niya na mas nangangailangan.

“Marami naman ako nga natulungan na mga ganun. Lagi yung mga nagbabasura ganyan kasi. Parang malapit kasi ako sa ganyan, kas inga dati rin akong nangangalakal”, ang naging pahayag ng ani Richard.

“Kapag nakakakita ako ng mga nangangalakal ‘yung parang ang gaan ng loob kosa kanila tapos gusto ko silang tulungan. Basta kapag nakikita kong masipag sila, gusto ko sila tulungan”, dagdag na pahayag pa nito.

Ibinahagi rin ni Richard na madaling turuan si Dennis, kaya naman talagang nasiyahan siya sa pagtulong dito, at mas naniniwala siya hindi imposible na maging modelo ito.

“Ang napansin ko kay Dennis, ang bilis niya turuan. Nakita niyo naman pang model ang hitsura ni Dennis, ano lang siya, kailangan lang niya alagaan”, ani Richard.

Sa mga natizens naman na nakakita ng napakagwapong mukha ni Dennis sa transformation na ginawa sa kanya, ay marami ang nagsabi na hindi na sila masu-surpresa kung isang araw ay makita nila ang binata sa mga commercial. Umaasa rin naman ang iba, na makakuha ang binata agad ng modeling contract.

error: Content is protected !!