Matinee Idol ng Showbiz na si John Lloyd Cruz Masaya sa Buhay na Mayroon na siyang Anak

Hinahangaan, kinakikiligan at isa sa pinaka-gwapong aktor ng showbiz ang aktor na si John Lloyd Cruz. Ang kanyang karera bilang isang aktor ay talaga namang ilang taon ding naging makinang, hanggang sa magdesisyon nga ito na pansamantalang iwanan ang kanyang karera at buhay sa mundo ng showbiz.

Marami sa atin ang talaga namang nami-miss ng makita sa mga serye at big screen si John Lloyd, ito ay dahil sa talaga namang isa siya sa mga pinakamahuhusay na aktor, na tumatak na sa puso ng maraming mga manonood.

Samantala, sa ilang taon ngang pagkawala ng aktor sa showbiz, ay tanong nga ng marami kung naging “worth-it” ba ang ginawa nitong desisyon.

Tila naman ang kasagutan sa katanungang ito ay “Oo” dahil kung nasilayan niyo si John Lloyd sa naging virtual chat nila ni King of Talk Boy Abunda na napanood sa CinemaOne’s “The Best Talk” ay makikita nga na masaya ang aktor sa naging desisyon niya, lalo pa’t dumating sa kanyang buhay ang kanyang anak na si Elias.

Si Elias, ay ang anak ni John Lloyd sa kanyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna.
Nang tanungin nga ni Tito Boy ang aktor kung masaya ito sa kanyang buhay ngayon, ay ito ang kanyang naging tugon.

“Wala na yatang mas liligaya pa kapag meron kang maliit na anak”, ano ng aktor.
Dagdag pa ni John Lloyd, itinuturing niya ang kanyang anak na si Elias Modesto bilang ang kanyang “little savior.”

Ayon pa nga sa aktor, ay napakahalaga sa kanya ng oras na nakakasama niya ang anak niyang si Elias, at ito ang mga panahon na hindi niya kayang i-let go.

“Yung oras talaga hindi mo mababalik”, saad pa ng aktor, lalo na’t lumalaki na ang anak.

Ngunit inamin rin naman ni John Lloyd sa panayam na ito sa kanya, na para mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang anak, ay kinakailangan niya ang magtrabaho.

“Kailangan pa rin magtrabaho”, ani JLC.

Dito na nga tinanong ni Tit Boy si John Lloyd kung magbabalik showbiz na ito, kung saan ay sinagot naman ng aktor, na hindi naman umano siya tumigil sa network job, na siya ay hindi tumigil sa pag-gawa ng sining.

Dumating lang umano siya sa punto na kinailangan niyang magpahinga, dahil tila naramdaman niya na hindi niya nagagawa ang mga bagay na nais niya pang gawin sa kanyang buhay.

“felt abnormal na ‘di mo magawa ‘yung gusto mo” saad nga ni John Lloyd.

Sa mga nangyari nga sa kanyang buhay sa naging desisyon niyang pansamantalang magpahinga sa showbiz ay wala umanong pagsisi ang aktor. Ito ay dahil nga sa nabigyan niya ang kanyang sarili na gawin ang mga bagay na gusto niya, at bigyang halaga ang bagay na mas mahalaga.

“Yung importansya na magawa mo ‘yung paniniwala mo ‘yung gusto mong gawin, I think ,’yun ang mahaga”, pagbabahagi pa ng aktor.

Marami naman sa mga tagahanga ni John Lloyd ang naghihintay na muling masilayan sa mga serye o pelikula ang aktor, at nag-aabang nga kung kailan ito magbabalik telebisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *