Marc Pingris, niregaluhan ang kanilang mga kasambahay na ikinatuwa naman ng maraming netizens

Dahil sa laganap na pag-gamit ng social media ay madali na lang tayo makasagap ng mga balita tungkol sa mga taong iniidolo natin. Dati sa telebisyon lamang natin nababalitaan ang mga magagandang bagay na kanilang ginagawa at minsan hindi talaga natin nalalaman.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Nito lamang nagdaang araw ng mga puso ay hindi lamang ang mga magkasintahan ang nakakatanggap ng pagmamahal at regalo kundi pati na din ang mga naglingkod sa mga magkasintahan na malayo sa kanilang mga pamilya.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Tulad na lamang ng sikat na basketbolistang si Mark Pingris na hindi nag-alinlangan na bigyan ng valentines’ gift ang kaniyang mga kasambahay.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Hindi lamang si Danica Sotto ang nakaranas ng ka-sweetan ni Marc Pingris kundi na din ang kanilang mga kasambahay. Madami sa mga netizens ang natuwa sa ginawa na ito ni Marc at patunay lamang ito na siya ay isang mapagmahal sa kaniyang kapwa.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Makikita ang kaganapan na ito sa social media ni Danica Sotto Pingris na asawa ni Marc. Mapapansin sa litrato ang mga lobo na hugis puso at may kasama na bulaklak na hawak ng mga kasambahay nina Marc at Danica.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Kapansin pansin din ang kilig at tuwa nila sa ibinigay sa kanila. Pinasalamatan ni Danica ang kanyang asawa sa ginawa nitong sorpresa sa kanya at sa mga kasambahay nila.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Simple man itong tingnan ngunit para kay Danica at sa mga kasambahay nila, ito ay napakalaking bagay na. Hiling din ni Danica na sana lahat ng tao sa araw na iyon ay nag-enjoy kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at kasintahan upang ipagdiwang ang araw ng mga puso.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Para sa mag-asawa, ang ginawa ni Marc ay isang simpleng pasasalamat niya sa kanyang mga kasambahay nila sa walang sawa na pagtulong sa kanila lalo na noong nagdiwang sila ng kaarawan ng kanilang anak na si Anielle Micaela at pasasalamat din ito sa hindi mapantayang serbisyo na ibinibigay sa kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *