Make-Over Transformation ng Old House na ito, Kinabiliban Dahil sa Napakaganda ng Kinalabasan nito, Hindi na Bakas ang Luma nitong Itsura

Tunay ngang napakasarap sa ating pakiramdam kung matapos ang maghapon nating pagtatrabaho ay uuwi tayo sa ating sariling tahanan kung nasaan naroroon rin at sasalubong sa atin ang ating mga mahal sa buhay.

Basta’t sama-sama ang pamilya sa isang tahanan at lahat ay malusog at nasa maayos na kalagayan, ay hindi na mahalaga sa atin kung ang ating tahanan ay malaki man o maliit, dahil ang mahalaga lamang ay kumportable ang tayo o ang ating pamilya sa bahay na ating tinitirhan.




Samantala, nauuso naman ngayon ang pagpapa-renovate ng mga bahay, lalo pa nga’t lumalabas na naman ang mga bago at modernong disenyo ng mga bahay. Kaya naman ilan sa ating mga kababayan na may kakayahan na magpa-ayos at magpaganda ng bahay, ay nagpa-renovate na nga ng kanilang bahay upang maging bago naman ito sa kanilang paningin.

Mayroon ngang isang may-ari ng isang “two-story home” ang nagdesisyon na ipa-renovate ang kanyang ‘old house’, at dahil sa talaga namang naging napakaganda ng ginawang renovation at transformation ng kanyang bahay, ay naging agaw-pansin ito sa mga mata ng netizens sa social media.

Mula nga sa isang old house, ay naging isang napakamodernong minimalist ang naturang bahay.
Sa naturang post nga, ay ibinahagi ang “before and after” ng bahay na ipina-renovate ng may-ari nito.

Makikita nga sa mga unang larawan na ibinahagi, ang hitsura pa ng bahay noong hindi pa ito nare-renovate. At ang mga sumunod na larawan naman ay ang hitsura ng bawat parte ng bahay, before and after ginawa ang renovation.

Halos lahat nga ng nakakita sa naturang post na ito ng Facebook user na si Surumpa Jareonsin, ay namangha sa ganda ng kinalabasan ng nangyaring transformation at renovation sa naturang bahay.
Mapapansin nga na napakalaki ng ipinagbago ng bawat parte ng bahay, kung saan halos wala ng makikitang bakas na ito’y dating isang old house.




Bawat parte nga ng naturang bahay ay ipina-ayos, mula sa sala, kusina, hagdan, banyo at maging mga kwarto. At kung noon ay wala itong kabuhay-buhay na bahay, at kitang-kita ang pagkaluma nito, ngayon nga ay nakamamangha na ang hitsura nito, lalo pa’t naging pang mayaman ang naging interior deisgn ng bawat parte ng bahay na ito.




Marami nga sa mga netizens na nakakita sa malaking transformation ng nasabing bahay ang talaga namang napamangha at na-inspired, kung saan ay naisip nila na kahit simple at maliit lamang ang isang bahay ay maari itong maging isang maganda at modernong tahanan, kahit na hindi ganun kamahal ang mga kagamitan na ilalagay dito.

Samantala, pakatadaan nga lamang natin, na ang isang tahanan ay mas matatawag nating tahanan kung sa kabila ng laki o liit nito, ay puno naman ito ng pagmamahalan ng mga taong nakatira dito.