Mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Masayang Nagbakasyon sa Coron, Palawan Upang Ipagdiwang ang Kanilang 1st Wedding Anniversary

Matatandaan na naging kontrobersyal at tumatak sa publiko ang kasal ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong nakaraang taon, ika-20 ng Pebrero na naganap sa Taguig. Ito nga matapos sumugod sa kanilang kasal ang ina ni Sarah na si Mommy Divine.

Kung ating matatandaan, ay malaki ang pagtutol ni Mommy Divine na maikasal ang anak niyang si Sarah sa nobyo nito na si Matteo. Ngunit, ang pagmamahalan ng celebrity couple ang nanaig, na talagang hindi nahadlangan ng anumang pagtutol at galit ni Mommy Divine.

At matapos nga ang anim na taong relasyon bilang magkasintahan, ay naging matagumpay ang sekretong kasalan nina Sarah at Matteo na nasaksihan ng kanilang malalapit na kaibigan at ilang miyembro ng kanilang pamilya.

Masaya ngang nagsama sa iisang bubong ang mag-asawa na puno ng pagmamahal sa isa’t isa. Tila nga, nakapabilis ng takbo ng mga oras dahil isang taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Sarah at Matteo.

At para sa pagdiriwang ng kanilang 1st wedding anniversary, ay masayang nagbakasyon ang celebrity couple sa napakagandang lugar ng Coron, Palawan.

Samantala, sa Instagram ay nagpaabot naman ng sweet na mensahe si Matteo sa kanyang maybahay na si Sarah bilang pagbati sa pagdiriwang ng kanilang 1st wedding anniversary. Mababakas sa mensahe ni Matteo na talagang ang asawa nitong si Sarah ang nagbibigay saya at kulay sa buhay niya.

Photo credits: ashmatt_love | IG

“Love, HAPPY 1st year anniversary! Look at our family! Thank you for bringing joy in our home, you are the reason why I smile when we wake up. You continue to inspire me everyday and I just love celebrating life with you. So proud of you my love! I love you forever.”

Matatandaan naman na minsan nang ibinahagi ni Matteo, kung gaano niya kamahal si Sarah. At ayon nga sa aktor, ang mapakasalan si Sarah, ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya.

“I recommend marriage to everybody as long as you found the right person in your life. As long as you found that person that you feel you can grow old and spend the rest of your life with. That’s very, very important. I’m not saying everything is perfect but I think that’s life. You go through the thick and thin holes in life.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *