Stories
Madiskarte at Wais na Daddy at Mommy, Hinangaan sa Social Media Matapos Gawin ito sa Pinamaskohan ng Kanilang Anak

Sa tuwing sa sasapit ang kapaskuhan, laging nariyan ang pagbibigay ng mga regalo mula sa mga kamag-anak, magulang, ninong at ninang. Ang mga regalong ito ay maaaring bagay o di naman kaya ay pera. Pero halos karamihan ngayon na mga namimigay ng aguinaldo tuwing pasko ay sa pamamagitan na lamang ng pera na nilalagay sa ampaw.
Kaya nakakamanga kung may mga magulang pa na itinatago ang perang natatanggap ng kanilang mga anak para gawin itong ipon.
Dahil ganito na lamang ang kwento ng mag-asawang nakaipon ng malaking halaga mula sa mga natatanggap ng kanilang anak tuwing pasko.
Ibinahagi ni Jarlo Manalad sa kaniyang social media account ang kanilang naipon na pera mula sa napapamaskuhan ng kanilang anak. Ayon kay Jarlo, ni minsan daw hindi nila naisip na gastusin ito mas naisip pa nila na iponin ang mga ito para na rin sa magiging kinabukasan ng kanilang anak.
Dagdag pa ni Jarlo, napaka-swerte ng kaniyang anak dahil marami itong natatanggap na regalo mula sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan na nagpapakita lamang ng pagmamahal nila sa kaniyang anak.
Simula pa daw nung baby ang kanilang anak hanggang ngayon na 3 taong gulang na ito ay iniipon na daw nilang mag-asawa ang natatanggap na pera ng kanilang anak bilang regalo. Ayon din kay Jarlo, naka-ipon silang mag-asawa ng Php77,000 mula sa natatanggap ng kanilang anak.
Simula nung nabinyagan at nagdiwang ng kaarawan ang kanilang anak pati na rin ang natatanggap nito tuwing kapaskuhan ay iniipon daw talaga nilang mag-asawa. Hindi nila ito binabawasan upang panggastos sa naging binyag at birthday ng kaniyang anak o kahit pa ang pang remedyo nila sa kanilang mga gastusin sa bahay ay hindi nila dito ibinabawas.
Sinisikap talaga nilang mag-asawa na iponin ito para na rin sa kinabukasan ng kanilang anak, inilalagay nila ito sa sariling bank account ng kanilang anak. Kaya lubos na nagpapasalamat si Jarlo sa lahat ng nagbibigay sa kaniyang anak. Sinigurado ni Jarlo na lahat ng natatanggap ng kaniyang anak ay kaniyang iniipon at para lamang talaga sa kaniyang anak.
Kaya maraming mga netizens ang namangha sa wais na diskarte ng mag-asawa sa perang natatanggap ng kanilang anak. Bibihira na lang kasi ang mga magulang na naiiisip na iponin ang perang natatanggap ng kanilang mga anak, lalo na sa mga mahahalagang okasyon. Dahil sa naging diskarte nilang mag-asawa ay siguradong ang kanilang anak ay may magagamit para sa kaniyang pag-aaral pagdating ng panahon.
