Luis Manzano, pabiro na ikinumpara ang sariling itsura sa kaniyang mga magulang

Pinagbiyak na bunga, mga katagang lagi nating naririnig sa ibang tao. Hindi maitatanggi na ikinukumpara tayo sa ating mga magulang, lalo na pagdating sa pisikal na kaanyuan at kung ang ating mga magulang ay gwapo at maganda.


Image courtesy: Luis Manzano/Instagram

Palagi rin nating naririnig ang katanungan na , sino ang kamukha, kapag bagong silang ang sanggol, ang kaniyang ina ba o ang kaniyang ama?


Image courtesy: Luis Manzano/Instagram

Katulad na lamang ng batikang host na si Luis Manzano na kung saan ay makikita ang kaniyang pinakabagong post sa kaniyang Instagram na pa throwback na larawan ng kaniyang mga magulang.


Image courtesy: Luis Manzano/Instagram

Parehong kilala sa mundo ng showbusiness ang mga magulang ni Luis Manzano, ang kaniyang ama na si Edu Manzano na isa ring batikang aktor at host samantalang ang kaniyang ina naman na si Vilma Santos ay binansagang Star for All Seasons.


Image courtesy: Luis Manzano/Instagram

Alam naman natin na hindi pa ganoon kaganda ang teknolohiya natin noon kaya naman makikitang black and white ang larawan nina Vilma at Edu.

Kung ating babalikan ay talagang patok sa masa ang tamabalan nina Vilma at Edu na kung saan ay maraming kinikilig sa kanilang dalawa maging ito man ay on cam or off cam.


Image courtesy: Luis Manzano/Instagram

Dahil dito ay marami ang humihiling at nananalangin na sana ay tumagal ang kanilang pagsasama na makabuo at magkaroon ng magandang pamilya.


Image courtesy: Jessy Mendiola/Instagram

Kaya naman, biniyayaan ang kanilang nakakakilig at masayang pagsasama. Si Luis Manzano ang naging bunga nito at binansagan nila itong “Lucky”. Dahil sa naging propesyon ng mga magulang ay sumunod si Luis sa mga yapak nito.


Image courtesy: Jessy Mendiola/Instagram

Ang nasabing larawan na pinost ni Luis ay may kapsyon na pabiro na kung saan ay maraming mga netizens ang natawa. Saad ni Luis na, maganda naman ang kaniyang ina at gwapo rin ang kaniyang ama, ngunit bakit parang hindi maganda ang naging resulta.


Image courtesy: Jessy Mendiola/Instagram

Ngunit kung iyong pagmamasdan ay napakagwapo naman talaga ni Luis na talagang nagmana sa kaniyang ina at ama. Pinagtitilian dahil sa kaniyang angking galing sa paghost at pag-arte, halos nasa kaniya na lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *