Kumpirmado Na,Derek Ramsay at Ellen Adarna Isang Buwan ng Magkarelasyon

Kumpirmado na ang pagiging magkarelasyon ng aktor na si Derek Ramsay at aktres na si Ellen Adarna.

Ilang buwan lamang mula ng mabalita ang hiwalayang Derek Ramsay at Andrea Torres, ay naging usap-usapan na agad ang aktor sa pagiging malapit nito sa aktres na si Ellen Adarna. Matatandaan na buwan ng Nobyembre ng kumpirmahin nina Derek at Andrea, na sila ay hiwalay na, ngunit hindi naman inihayag ng mga ito ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Naging maugong naman ang usap-usapan ng pagiging malapit ni Derek kay Ellen ng madalas ng makita sa kanilang social media account na lagi silang magkasama. May mga larawan nga na nagpakita na nakasama ni Ellen ang pamilya ng aktor, at mayroon naman na kasama nina Ellen at anak niyang si Ellias si Derek habang nasa isang bakasyon.

Nakita rin ng mga tagasubaybay nila ang ibang kasiyahan at pagiging kumportable nina Derek at Ellen sa tuwing sila’y magkasama, kaya naman naging maugong ang usapin kung may namamagitan na nga bang relasyon sa dalawa.

Samantala, ang pinakahihintay namanna kumpirmasyon patungkol sa kanilang dalawa, ay inilahad na ng aktor na si Derek Ramsay. Kung saan sa pamamagitan ng isang panayam sa kanya, ay inamin niya na mayroon na silang relasyon ng aktres na si Ellen Adarna.

Nito nga lamang nagdaang Biyernes, ika-26 ng Pebrero sa isang eksklusibong panayam ng PEP.ph, ay hindi na nagdalawang isip pa ang dalawa na ipakita at iparamdamang totoo nilang nararamdaman sa isa’t isa.

Ang panayam ngang ito ay nangyari sa mismong bahay ni Derek sa Ayala Alabang, Muntinlupa, kung saan ay inilarawan nga ng 44-taong gulang na Kapuso actor na normal relationship ang sa kanila ni Ellen, at hindi umano ito dumaan sa ligawan.

Agad naman sumabat ang 32-taong gulang na aktres na si Ellen Adarna na baka isipin ng mga tao na siya ang nanligaw sa aktor.

“No, no walang ganun. Ako ang laging nag-aaya hindi siya ganun”, ang naging saad ni Derek para depensahan ang aktres.

Ibinahagi rin ng Kapuso actor, na agad siyang nakaramdam ng “spark” ng magkakilala sila ni Ellen. Ngunit pag-amin ni Derek, kahit nga bago pa lamang ang kanilang relasyon, ay dumadaan na sila sa mga tampuhan.

Kasunod nga nito ay ang naging matapang na, na pag-amin nina Ellen at Derek na silang dalawa ay isang buwan ng magkarelasyon. Dagdag pa ng aktor, sa kanyang pakiramdam tila ang isang buwan sa piling ni Ellen, ay isang taon na.

At upang mas bigyang linaw nga ang totoong relasyon ng dalawa, ay diretsahang tinanong ng PEP si Derek kung girlfriend na nga ba nito si Ellen.
Bago pa man nga bigyang kasagutan, ay pabiro pang tinanong ng aktor si Ellen ng , “Bakit ako?”.

At marahil sa sobrang ka-stressan ng dalawa sa mga tanong, hindi nagtagal ay diretsahan nan gang inamin ni Derek na may relasyon na sila ng aktres.

“May relasyon kami, Oo!.”

Ano ang masasabi niyo sa naging pag-amin na ito nina Derek at Ellen?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *