Korina Sanchez ipinasilip ang dalawang araw na pagdiriwang ng 2nd Birthday ng kaniyang kambal na anak

Hindi matawaran ang kaligayahang nararamdaman ng isang ina na makitang lumalaking malusog at malayo sa anumang sakit ang kanilang mga anak.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Bilang isang ina ay masaya rin siya na ipinagdiriwang ang isa sa pinakamahalagang araw ng kaniyang mga anak at ito ay ang kaarawan ng mga ito.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Kahit malayo pa ang pagdiriwang ng nasabing kaarawan ay talaga namang makikita natin ang pagiging abala at paghahanda ng mga magulang maging maayos lang ang pagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Katulad na lamang sa ginawang paghahanda nina Korina Sanchez at ng kaniyang asawang si Mar Roxas sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang kambal na si Pepe at Pilar.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Ang mga nasabing kaganapan sa kaarawan ay ipinasilip ni Korina Sanchez sa kaniyang social media account.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Dahil sa hindi matawarang kaligayahan para sa kanilang anak, ang mag-asawang Korina at Mar ay dalawang araw na ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak na kambal. Ayon sa post ni Korina sa kaniyang Instagram account ay naging matagumpay naman ang dalawang araw na pagdiriwang ng kaarawan para kina Pepe at Pilar.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Saad din niya na wala gaanong tao at sila-sila lang na pamilya ang magkasamang nagdiwang ng kaarawan ng kambal na kung saan ang nasabing pagdiriwang ay napuno ng mga lobo at hindi mawawala ang nakasanayang cake tuwing may kaarawan o kahit ano pa mang pagdiriwang.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Ibinahagi rin ni Korina ang isang bidyo na kung saan ay makikita sina Pepe at Pilar na masayang nakatitig sa kanilang cake na may disenyong “Humpy Dumpy” at “Coco Melon”. Ang nasabing napakagandang disenyo ng cake ay nagmula sa StarDust.

Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Korina Sanchez sa kaniyang social media account ang isa sa napaka-cute na bonding moments ni Mar Roxas at Pilar.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Ikinasal sina Korina Sachez at Mar Roxas noong Oktubre 27, 2009 sa Quezon City. Ang kanilang anak na sina Pepe at Pilar ay ipinanganak noong Pebrero 12, 2019 sa pamamagitang ng gestational surrogacy sa United States.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *