Kiray Celis, niregaluhan ng isang Bouquet ng pera ang kanyang ama at ina

Malaki ang sakripisyong ginagawa ng mga magulang sa kanilang mga anak upang mapalaki ang mga ito ng tama, maayos at may takot sa Panginoon. Gagawin at susuportahan nila ang lahat ng gusto ng kanilang mga anak upang mapanatili silang masaya.


Image courtesy: Kiray Celis/Instagram


Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Sa lahat ng tao ang mga magulang ang siyang unang tutulong sa iyo kapag ikaw ay may problema. Hindi ka nila pababayaan at mas mamahalin ka nila hanggang sa abot ng kanilang makakaya kung kaya tayong mga anak ay mayroong malaking utang na loob sa ating magulang.


Image courtesy: Kiray Celis/Instagram


Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Tatanawin natin ang kanilang mga ginawa para sa atin ng lubos at susuklian din ito ng sobrang pagmamahal at mangangako na hindi sila pababayaan. Yan lamang ang isa sa mga gusto at mahalagang bagay na nais nating iparanas sa ating mga magulang.


Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Tulad na lang ng ginawa ng isang kilalang komedyante na si Kiray Celis na nagawang bigyan ng isang palumpon ng pera ang kanyang mga magulang.


Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Ibinahagi ni Kiray ang sorpresa niya sa kanyang mga magulang dalawang araw bago ang araw ng mga puso at ang mga kaganapan na ito ay makikita sa kanyang social media account. Mapapansin sa litrato, na hawak ng kanyang mga magulang ang nagkukumpulang mga tig-iisang daan na tila mga bulaklak na naka-ayos.


Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Bakas sa kanilang mga mukha ang lubos na kasiyahan na nararamdaman ng isang magulang sa pagmamahal na ipinapakita ng kanilang anak. Mababasa sa social media post ni Kiray ang kanyang pagbati sa kanyang mga magulang ng maligayang araw ng mga puso.


Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Kasunod nito ang pagsaad na ibibigay umano ng komedyante ang lahat upang mapaganda ang buhay ng kanyang mga magulang. Pinasalamatan din niya ang kanyang mga magulang sa walang sawang pagsuporta sa kanya at pagbibigay umano ng mga ito ng walang hanggang pagmamahal at pag-intindi.


Image courtesy: Kiray Celis/Instagram

Nangako din si Kiray na sa susunod na magreregalo siya ay hindi na lamang tig-iiisang daan kundi tig-iisang libo na. Kung ating natatandaan na si Kiray Celis ay dating miyembro ng programang Goin Bulilit na naghatid sa atin ng mga ngiti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *