Kinakikiligan Ngayon na Celebrity Couple na Sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, Ikinuwento Kung Paano Nagsimula ang Kanilang Love Story

Isa sa mga kinakikiligang celebrity couple ngayon ay ang magkasintahang sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Isinapubliko nila ang kanilang relasyon noong unang araw ng taong 2021, kung saan ay nagbahagi nga si Diego ng larawan nil ani Barbie, kung saan ay nagpapahayag na silang dalawa nga ay magkarelasyon na.

Ngunit bago pa man nga naging magkarelasyon sina Diego at Barbie, ay naging magkaibigan muna sila. Kaya naman marami sa kanilang mga tagahanga ang nais din malaman ang ilang detalye patungkol sa kung paanong ang pagkakaibigan nila, ay nauwi sa isang matamis na pag-iibigan.

Sa isang vlog nga na ini-upload ng Star Magic, ay ibinahagi ng magkasintahang Diego at Barbie kung paano nagsimula ang kanilang relasyon, ito ay upang bigyang kasagutan na rin ang tanong ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta.

Ayon nga sa kinakikiligang celebrity couple ngayon, sa simula ay magkaibigan lang sila, bago pa man nga sila nagkaroon ng pagkakamabutihan hanggang sa maging officially couple na sila. Ikinagulat naman ng marami, ng aminin nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa publiko na sila ay magkarelasyon na.

Ikinuwento nga nina Diego at Barbie sa naturang vlog kung paanong ang friendship nila ay humantong sa level ng relationship. Pagku-kwento ni Barbie, taong 2018 ng makilala niya ang aktor na ngayon nga ay kanya ng nobyo.

Noon umano ay wala talagang “something” sa kanilang dalawa ni Diego, kundi friendship lang, pero pag-amin ni Barbie, ay crush na din niya ito noon.

“That time wala kaming something. Friends lang talaga, pero crush ko siya nu’n”, ang naging pagtatapat ng aktres.

Dagdag naman ni Diego, siya ang unang kumulit kay Barbie, at siya rin ang unang nagmessage sa kanya. Hanggang sa na-realize nga nilang dalawa, na-friendzone sila sa isa’t isa.
Kuwento pa nga ng “Bagong Umaga” star, dumating talaga sila sa punto na magkaibigan na lamang silang dalawa, at nawalan pa nga sila ng komunikasyon sa isa’t isa. Ito umano ay ang mga panahon na pansamantalang nawala sa showbiz ang aktor, dahil nga sa ilang personal na problema nito.

Ngunit dahil nga sa nagkaroon na sila ng magandang samahan sa kanilang pagkakaibigan ay hindi agad rin naman silang nagkamabutihan ng sila’y magkitang muli. Kasama nga ang kanilang mga kaibigan, ay nagplano sila na magbakasyon sa isang beach resort sa Pangasinan.

“Pinilit niya ako”, ang naging saad ni Diego.
“Pinilit ko siya as a friend, walang malisya”, ani naman ni Barbie, na tila dinepensahan ang kanyang sarili.

Nang panahon din na iyon nakita ni Diego ang pagiging isang ‘sincere’ na kaibigan ni Barbie, ng ipaalam siya nito sa kanyang ina.

“Pero nagpa-alam si Bie [tawag ni Diego kay Barbie] sa mommy ko. Dun ko nakita na sincere siyang kaibigan , kasi ipinagpaalam ako sa nanay ko”, ang naging kwento pa ng aktor.

Sa naging short vacation nga nilang ito sa Pangasinan, mas nakilala nina Barbie at Diego ang isa’t isa, at isa nga sa mga hindi nila makakalimutang ganap sa naging bakasyon nilang ito ay ng mag “heart to heart talk” sila habang sila ay nasa tabing dagat.

Muli ngang nasundan ang out of town vacation nina Barbie at Diego, kung saan ay naging daan nga ito upang mas maging malapit at makilala pa nila ang isa’t isa, hanggang sa napagdesisyunan na nga lamang nilang dalawa na i-level up na nila ang kanilang friendship.

Saad ni Barbie, tinanong niya si Diego ng “Tatanungin mo ba ako kung magiging tayo?”
At sabay nagtanong nga sa kanya ang aktor na, “Ano tayo na?”
Agad na “Oo” nga ang isinagot ni Barbie kay Diego, dahil sa naramdaman niya sa kanyang sarili na mahalaga na ito sa kanya, at malaki na ang paki nito sa aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *