Kilalanin ang napakagandang panganay na anak ni Angel Aquino na si Iana Bernardez

Sa dinami-dami ng artista na ating kilala minsan nagugulat na lamang tayo na sila pala ay may tinatagong mga anak na ubod ng ganda at gwapo.


Image courtesy: Iana Bernardez/Instagram

Sa unang beses pa lamang na ating masilayan ang mga ito ay hindi mo aakalain na anak pala ito ng mga iniidolo nating artista sa kadahilanan na kapag iyong ihahambing sila ay tila parang magkapatid lamang.

Lumipas man kasi ang panahon, ang iba sa mga kilala nating artista na ubod ng ganda ay nanatili pa din ang ganda at kaseksihan sa kabila ng kanilang mga edad.


Image courtesy: Iana Bernardez/Instagram

Tulad na lamang ng kilalang aktres na si Angel Aquino na kahit sa kabila ng kanyang edad ay hindi pa din kumukupas ang kanyang ganda.


Image courtesy: Iana Bernardez/Instagram

Nasusubaybayan natin ang aktres sa kasalukuyang programa na apat na taon nang ume-ere sa mga telebisyon na pinamagatang “Ang Probinsyano”.


Image courtesy: Iana Bernardez/Instagram

Dahil sa madalas natin na makita ang aktres sa mga proyekto ay hindi na natin masyadong napapansin ang kanyang buhay sa likod ng kamera.

Meron palang anak ang aktres na ubod ng ganda tulad niya at kung sila ay ipagtatabi mo sa isa’t-isa ay hindi mo aakalain na ang dalawa ay mag-ina.


Image courtesy: Iana Bernardez/Instagram

Ang panganay na anak ni Angel ay nagngangalang Iana at kasalukuyang 26 anyos pa lamang. Hindi ito ang unang pagkakataon na naging usap-usapan ang kagandahang taglay ng anak ni Angel dahil noon ay nagkaroon ng malaking usap-usapan tungkol sa anak niya na si Iana ng kumalat ang napakagandang mga litrato nito online.

Madami sa mga netizens ang namangha at nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ng panganay na anak ni Angel sa kanya lalo na kapag ngumiti si Iana.

Kung ating dadalawin ang social media account ng anak ni Angel Aquino ay mapapansin mo na isa siyang babae na mahilig sa mga adventure na gawain.


Image courtesy: Iana Bernardez/Instagram

Maliban dito ay napag-alaman din na siya ay naging isang modelo noong nag-aaral pa umano ito sa kolehiyo at makalaunan nag ka interes sa showbusiness at nagbida sa isang pelikula na pinamagatang “Gusto kita with all my Hypothalamus”.


Image courtesy: Iana Bernardez/Instagram

Maliban sa mga nasabing talento at kagandahang taglay ay mayroon din umanong magandang puso ang dalaga dahil kabilang ito sa mga charitable na gawain tulad ng kanyang ina na si Angel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *