Kilalanin ang anak ni Joey De Leon na si Jocas Eightria na nagtapos na Cum Laude sa isang tanyag na Unibersidad sa New York

Wala nang mas sasaya pa sa nararamdaman ng isang magulang na nakikitang umaangat ang mga anak sa buhay. Bilang isang magulang, ginagawa nila ang lahat ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak sa abot ng kanilang makakaya.


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram

Hindi nila alintana ang hirap at pagod maibigay lang ang lahat ng pangangailangan sa kanilang mga anak, lalong-lalo na pagdating sa pag-aaral. Wala ng hinahangad ang isang magulang kundi ang makitang makapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram

Kaya naman, lubusan ang pagsusumikap ng mga anak upang masuklian ang lahat ng mga hirap at pasakit ng mga magulang makapagtapos lang sila sa pag-aaral.

Isa na rito ang kasipagang ipinakita ng anak ni Joey de Leon na si Jocas Eightria. Hindi lang kagandahan ang makikita kay Jocas de Leon kundi pati na rin ang katalinuhang taglay nito.


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram

Si Jocas ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Fordham University sa New York bilang isang cumlaude sa kursong Bachelor’s degree in Economics. Hindi lang iyon, dahil si Jocas ay may master’s degree rin sa luxury brand management sa European Business School sa London.


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram

Makikita sa mga post ni Jocas na talaga namang Daddy’s girl siya dahil sa mga larawan ng kaniyang ama na ipinopost niya sa kaniyang Instagram account na may mga matatamis na mensahe.


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram

Ipinost din ni Jocas sa kaniyang Instagram account kung paano nila ipinagdiwang ang kaarawan ng kaniyang ama na si Joey de Leon. Ibinahagi rin ni Jocas ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang ama.


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram

Sinabi niya na kapag kasama niya ang kaniyang ama ay nararamdaman at nakakasigurong ligtas siya. Dagdag pa niya na subrang swerte at blessed niya sa kaniyang ama.


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram

Ikwenento din ni Jocas na bago pa nagkaroon ng pandemya ay palaging nagtatravel sa ibang bansa ang kanilang pamilya.


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram


Image courtesy: Jocas De Leon/Instagram

Lima ang anak ni Joey de leon. Sina Keempee at Cheenee ay kaniyang anak sa una niyang asawa na si Daria Ramirez at ang tatlo na sina Jocas Eightria, Jako Raphaelle at Jio Sebastian ay mga anak niya naman kay Eileen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *