Kaye Abad sa Edad na 38, Masayang Ibinahagi na Siya’y Nagdadalang-Tao sa Magiging Ikalawang Anak Nila ng Asawa

Isang malaking biyaya para sa maraming mga kababaihan ang pagkalooban ng pagkakataon na magdalang-tao at gampanan ang responsibilidad ng pagiging isang ina. Ito ay dahil sa hindi lahat ng abae ay nabibigyan ng pagkakataon na maranasan ito.

Kaya naman para sa 38-taong gulang na aktres na si Kaye Abad, ay muli, ipinagpapasalamat niya na sa pangalawang pagkakataon ay mararanasan niya ang magdalang-taong muli ng isang sanggol na magiging karagdagang parte nga ng kanilang pamilya.

Nito nga lamang lumipas na Sabado ng gabi, ika-27 ng Pebrero taon ng kasalukuyan, ay masayang inanunsyo ni Kaye Abad sa kanyang Instagram account na magkakaroon na nga ng kapatid ang panganay na anak nila.

Makikita nga sa IG post ng aktres, ang larawan ng 3-taong gulang niyang anak na si Pio Joaquin na hawak-hawak ang isang kopya ng sonogram, na nagpapatunay nga na siya’y magiging isang ‘kuya’ na.

“Yey!!! I’m going to be a kuya! #anotherblessing”, ang naging caption nga ni Kaye sa nasabing larawan na siya nga umanong reaksyon ng kanyang panganay na anak.

Dahil sa magandang balita na ito, ay bumuhos nga ang mga pagbati para sa aktres mula sa kanilang malalapit na kaibigan ng kanyang asawa sa industriya ng showbiz.

Kabilang sa mga celebrity na nagpa-abot ng kanilang pagbati ay sina Heart Evangelista, Jodi, Sta. Maria, Mariel Rodriguez, Carlo Aquino, LJ Reyes, Ynna Asistio at Kris Bernal.
Narito nga ang mga naging komento ng ilan sa kanila.

“Congrats!!! [red heart emoji].” – Heart Evangelista.
“Congrats @kaye_abad @pauljake_castillo babygirl naman.” – Jose Liwanag
“Congratulations K-ster.” – Jodi Sta. Maria
“Yey!!! Congrats sa inyooo!! [red heart emoji]” – Chito Miranda

Matatandaan na si Kaye Abad ay ikinasal noong ika-9 ng Disyembre taong 2016 sa kanyang asawang si Paul Jake, isang Cebuanong entrepreneur at dating PBB housemates sa isang Catholic wedding ceremony. At mula ng sila’y maging mag-asawa ay nanirahan na sila sa “hometown” ni Jake sa Cebu.

Sa ngayon nga ay apat-taon ng kasal ang mag-asawa, at patuloy na namumuhay ng masaya kasama ang kanilang tatlong taong gulang na anak, na ngayon nga ay madaragdagan na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *