Julia Montes, tumugma kay Coco Martin ang lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang lalaki

Habang nagkakaedad ang tao, nakikita at napagmamasdan niya ang kaniyang paligid na kung saan ay napupukaw sa tayo sa reyalidad ng buhay. Maraming mga bagay ang ninanais niyang makamit at marating sa buhay.


Image courtesy: Boyet Ahmee/Youtube

Nariyan na ang pagkakaroon ng magandang bahay, maayos na trabaho, at nasasama rin sa mga ito ang pagkakaroon ng maayos at magandang pamilya, na kung saan ay tinitingnan at pinapangarap ang magkaroon ng hindi man perpekto ngunit isang ideal na makakasama at makakatuwang sa pagtanda.


Image courtesy: Boyet Ahmee/Youtube

Kamakailan lamang ay napasabak sa isang lie detector challenge si Julia Montes sa isang vlog ni Boyet Ahmee na asawa ni Dimples Romana na kung saan lahat ng mga sagot nito ay si Coco Martin ang inilalarawan na siyang tipo nitong lalaki.

Ang mga katanungan sa nasabing challenge ay patungkol sa tipo niyang lalaki. Narito ang ilan sa mga katanungang tinanong sa kaniya ni Boyet:


Image courtesy: Boyet Ahmee/Youtube

Sa unang katanungan ay itinanong sa kaniya kung ang tipo ba ng lalaki na gusto niya ay naka “Lalaking Nakasando o Leather Jacket?” Agad namang sumagot si Julia ng Leather Jacket na kung saan ay nakuryente siya na ang ibig sabihin ay hindi siya nagsasabi ng totoo, ngunit ayon kay Julia ay nagsasabi siya ng totoo.

Sa pangalawang katanungan, tinanong siya kung “Moreno o Mestizo?” At agad din naman siyang tumugon na moreno, subalit nakuryente pa rin siya. Dahil dito ay sinabi ni Boyet na palyado ang nasabing lie detector gadget dahil sa nagaground si Julia na kung saan ay nagsasabi naman ito ng totoo. Ang pangatlong katanungan naman ay kung “Matangkad o Sakto lang?” sumagot si Julia na sakto lang, subalit na-ground ulit ang aktres.


Image courtesy: Boyet Ahmee/Youtube

Ang pang-apat na katanungan sa kaniya ay kung “Inglisero o Makata?” Sinagot agad ni Julia na Makata, ngunit nakuryente parin ang aktres, na kung saan ay nakapagsabi nalang siya na uuwi siyang luhaan sa kadahilanang walang tumama sa kaniyang mga sagot.


Image courtesy: Julia and Coco/Instagram

At ang panghuling katanungan sa kaniya ay kung “Manila Boy o Probinsiyano?” ngunit bago sinagot ng aktres ay binulungan niya muna ang lie detector na kung magaground ulit siya sa magiging sagot niya ay babasagin niya na ito.


Image courtesy: Julia and Coco/Instagram

Subalit hindi nakisama ang lie detector dahil ng ang isinagot niya ay probinsyano na ground parin ito na naging sanhi ng kaniyang paghalakhak.


Image courtesy: Julia and Coco/Instagram

Ang nasabing challenge ay nagtrending sa social media na kung saan sinabi ng mga netizens na maliwanag namang si Coco Martin ang lalaking tinutukoy ni Julia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *