Janella Salvador, nakabalik na ng Pilipinas kasama ang baby na si Jude at nobyong si Markus

Minsan sa buhay natin, hindi natin maiiwasan na hindi lamang ang pagtatrabaho o pagbabakasyon natin sa ibang bansa ang mga nagiging dahilan natin kung bakit tayo napupunta dito.


Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Minsan napupunta tayo sa ibang bansa sa kadahilanang tubong ibang bansa ang ating napangasawa kaya hindi malabong lisanin natin ang sarili nating bansa upang makapunta sa lugar ng mapapangasawa natin, ngunit ganun pa man ay hindi pa rin maitatanggi na kailangan pa rin nating bumalik sa bansang kinagisnan natin.


Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Katulad na lamang ng kilalang aktres na si Janella Salvador na kung saan ay nakabalik na ng Pilipinas. Makalipas ang ilang buwang pamamalagi at pagtira nina Janella Salvador at ng kaniyang partner na si Markus Paterson sa United Kingdom ay nakabalik na sila sa bansang Pilipinas kasama ang kanilang anak na si Jude.

Makikita sa Instagram stories ni Markus ang kaniyang ibinahaging clip ni baby Jude na kung saan ay may caption na maligayang pagdating at kalakip na emoji ng watawat ng Pilipinas.


Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Maliban dito ay nagbigay din ng pahiwatig si Janella sa kanilang pagbabalik na kung saan ay nagpost din siya ng isang snapshots ng kaniyang sarili sa Heathrow Airport.


Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Noong nakaraang buwan lamang ay ibinahagi nina Markus at Janella kung gaano sila nagagalak at kagustuhang makabalik ng Pilipinas.


Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Ipinanganak ni Janella ang kaniyang panganay na anak na si Jude noong Oktubre 20, 2020 sa Bath, Somerset, England ngunit ipinakilala niya ito sa publiko noon lamang Enero.


Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Sina Janella Salvador at Markus Paterson na parehong 22 taong gulang, ay nakumpirma ang kanilang relasyon noong Setyembre.


Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Si Janella Maxine Desiderio Salvador ay ipinanganak noong Marso 30, 1998 sa Cebu ngunit lumaki sa San Juan City. Ang kaniyang mga magulang ay sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.


Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Si Mark Paul Robert Paterson naman ay isang British at ipinanganak noong Hunyo 3, 1998 sa England at nag-iisang anak nina George Trevor Paterson dating British Air Force pilot at Norma Mario Paterson na isang negosyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *