Ito na ngayon ang masayang buhay ng Football Star na si Phil Younghusband kasama ang binuong pamilya

Maraming mga personalidad ang tumatatak sa buhay ng isang tao, tulad ng artista, pulitiko, manunulat, pintor, manlalaro, at iba pa.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Hindi maiwasan minsan na hindi natin sundan ang bawat kaganapan sa buhay nila at kahit mga simpleng bagay na gusto nila.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Katulad na lamang na gusto nating malaman ang kanilang mga paboritong pagkain, gawain, pampalipas oras, at higit sa lahat hindi mawawala sa listahan na gusto din nating malaman ang kanilang buhay pag-ibig.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Sa paglipas ng oras sila palagi ang ating sinusubaybayan dahil sa ating hindi mapantayang paghanga sa ating mga iniidolo na kahit wala na ito sa propesyon na kung saan natin sila nakilala.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Tulad na lamang ng dating manlalaro ng football na si Phil Younghusband na pagkalipas ng ilang taon ay hindi pa din natin nalilimutan.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Kung ating natatandaan, si Phil ay dating miyembro ng national men’s football team na tinatawag na Philippine Azkals.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Nakilala si Phil dahil sa kanyang husay sa paglalaro ng football na nagbigay daan sa kanya na maging lider ng kanilang kuponan. Isa siya sa mga naging dahilan sa pagkakapasok ng Philippine Football team sa ika-111 na ranking sa FIFA world.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Ngunit noong 2019 ay inanunsyo niya na magreretiro na siya sa paglalaro ng football. Kasalukuyang masaya na ang dating manlalaro sa kanyang buhay dahil meron na siyang pamilya na pagkakaabalahan at aalagaan.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Ikinasal si Phil sa kanyang matagal nang kasintahan na si Margaret Hall noong Hulyo 20 taon 2019 sa England at nito lamang nakaraang taon ay nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng isang sanggol na pinangalanan nilang Philip James, alinsunod sa pangalan ng kanilang ama.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Marami tayong makikitang litrato na nagpapakita ng kanilang paglalakbay ng kanyang asawa bilang isang pamilya sa social media ng dating manlalaro.


Image courtesy: Phil Younghusband/Instagram

Tulad na lamang ng pagdiriwang nila ng kanilang unang anibersaryo at ang pagdiriwang nila ng unang buwan ng kanilang anak na si Philip James.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *