Israel Pacquiao, Kinaaliwan ng Kambal na sina Jinky Pacquiao at Janet Zamora Dahil sa Tila Pagkalito Nito sa Kanilang Dalawa Kung Sino ang Kanyang Tunay na Ina

Marahil lahat tayo ay nakikilala si Jinkee Pacquiao, dahil sino pa ba naman ang hindi makakakilala sa kanya na ngayon ay nabibilang na rin sa isa sa mga kilalang personalidad sa lipunan.

Si Jinkee Pacquiao, ay kilala bilang maybahay ng legendary boxer at tinaguriang Pambansang Kamao, at ngayon ay isa na ring Senador na si Manny Pacquiao. Maliban pa dito, ay nakilala pa siya lalo ng publiko dahil sa kanyang pagiging isang fashion icon, lalo na sa pagiging isa niyang fashionista, at pagsusuot niya ng mga mamahalin niyang mga gamit, tulad ng damit, bags, relo at kung an0-ano pa.




Kilala din ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao, bilang mga taong may mabuti at mababang kalooban. Dahil sa kabila ng masaganang buhay na tinatamasa nila ngayon, ay hindi naman nila nakakalimutan na ibahagi ito sa iba, lalo na sa kanilang pamilya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG 

Samantala, mula ng makilala ng madla ang pamilya ni Manny ng sumikat at maging popular ang pangalan nito sa mundo ng boksing, ay nalantad na rin sa publiko ang kanyang buong pamilya. At napag-alaman nga ng lahat, na ang kanyang asawang si Jinkee, ay mayroong kakambal na babae na talagang kamukhang-kamukha nito, at ito nga ay si Janet Zamora.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janet Jamora (@janetjamora)

Ayon nga sa mga naging ulat patungkol sa kambal, ay malapit ang mga ito sa isa’t isa, at close na close talaga sila.

Bukod pa nga sa pagiging kambal nila na parang pinag-biyak ng bunga ang mga mukha, ay best of friend din ang turingan ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janet Jamora (@janetjamora)


Sa katunayan ay hindi lang sa mukha magka-hawig ang dalawa, dahil maging sa mga hilig ay halos pareho sila. Halos pareho ng istilo ng pananamit sina Jinkee at Janet, kaya naman sa tuwing sila ay magkasama, lalo na pag sila’y namamasyal sa mga mall, ay madalas mapagkamalang si Jinkee si Janet, at si Janet naman si Jinkee.




Ang kambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Zamora, ay kasal sa dating PBB housemate na si Steve “Tibo” Jumalon, kung saa sa Isla Jardin sa Glan, Saranggani naganap ang kanilang pagpapakasal. Noong ika-9 ng Enero ng kasalukuyang taon, ay kasisilang lamang ni Janet sa kanilang baby boy.
Hindi nga lamang ibang mga tao ang nalilito sa kambal na sina Jinkee at Janet kapag sila ay magkasama, dahil maging ang anak ni Jinkee Pacquiao na si Israel, ay minsan na ring nalito kung sino sa kambal na magkapatid ang kanyang ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janet Jamora (@janetjamora)


Sa IG account ni Jinkee, ay mayroong isang video itong ibinahagi, na nagpapakita kung paanong tila nalilito ang kanyang anak na si Israel kung sino sa kanila ni Janet ang ina nito. Sa kabila ng pagkalito nito sa una, sa huli ay natukoy pa rin nito ang inang si Jinkee.

Si Israel ay ang bunsong anak ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao.

Maliban pa sa video, ay may larawan ding ibinahagi si Jinkee, kung saan naman makikita na magkasama sila ng kambal niyang si Janet, at sa gilid nila ay tahimik na nakatitig si Israel, na tila inaalam kung sino sa dalawa ang kanyang mommy Jinkee.

Caption ni Jinkee sa larawan na ito,

“Ano kaya ang iniisip ni Israel? Sino ang mommy ko? ”

Kinaaliwan naman ng mga netizens ang video at larawan na ito na ibinahagi ni Jinkee, dahil sa kyut na kyut na reaksyon ni Israel habang tila nga iniisip kung sino sa kambal ang kanyang tunay na ina.