Connect with us

Stories

Isang Nanay na Mag-isang Binubuhay ang Kanyang Anak at Apo mula sa Kitang P25 Kada Araw, Nakatanggap ng Tulong Matapos Ibahagi sa Social Media ang Kanilang Kalagayan

Bagama’t may edad na, ay hindi hadlang para sa isang 63 anyos na nanay mula sa Misamis Oriental na iparamdam ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak at apo. Kahit nga, may edad na ay nagpupursige pa rin itong buhayin at itaguyod mag-isa ang kanyang anak at apo sa araw-araw.




Ang nakakaantig na kwentong ito ni Cornelia Sagumhay, ay hinangaan ng mga netizens. At matapos nga ibahagi sa social media ang kanilang kalunos-lunos na kalagayan ay bumuhos ang tulong na kanilang natanggap.

Si Nanay Cornelia ay nabubuhay kasama ang kanyang anak at apo. Ang kanyang anak ay may problema sa pag-iisip, at ang masaklap pa nito, ay nabuntis ito ng hindi nila nakikilala kung sino ang nakabuntis. Kaya naman, pati ang apo niya, ay kasama rin ni Nanay Cornelia na kanya ring mag-isang binubuhay.

Photo credits: Marilou Mendoza Labanes | IG

Hindi madali ang pinagdadaanan ni Nanay Cornelia sa araw-araw. Dahil sa kabila ng kanyang edad, ay siya ang gumagawa ng gawaing bahay, katulad na lamang nga ng paghuhugas ng plato, pagluluto at pag-iigib ng tubig. Maging ang kanilang kalagayan ay mahirap rin. Ito nga ay dahil ang tanging alam na hanapbuhay ni Nanay Cornelia ay paggawa ng barbeque stick upang itinda. Ang barbeque stick ay nagkakahalaga ng P5 kada 100 piraso, at si Nanay Cornelia ay nakakagawa lamang ng 500 piraso sa buong maghapon kung kaya’t kumikita lamang siya ng P25 kada araw. Ang naturang halaga ay binibili ni Nanay Cornelia ng bigas na mais.

Ang P25 ay napakaliit na halaga upang ibili ng kanilang pangangailangan araw-araw. Mabuti na lamang at may nagbibigay sa kanila ng dalawang kilo ng bigas na kanyang ipinapakain sa kanyang anak at apo. At ang kanyang pinapaulam naman ay asukal. Matiyaga silang nagtitiis upang makaraos sa araw-araw.

Nakakalungkot man, ngunit mas nais pa ni Nanay Cornelia ang mawala na lamang sila upang may komportableng tirahan sa sementeryo. Sa hirap nga ng buhay, ay hindi na nga raw alam ni Nanay Cornelia ang gagawin upang mabuhay lalo na nga’t matanda na rin siya.

Ang kalunos-lunos na sitwasyong ito ni Nanay Cornelia kasama ang kanyang anak at apo, ay ibinahagi sa social media ng kanilang kapitbahay na si Marilou Mendoza Labanes. Dahil dito, ay bumuhos ang tulong mula sa mga may mabubuting kalooban. At ang ilan nga, ay personal pang pinuntahan sa kanilang tahanan si Nanay Cornelia upang iabot ang tulong. Maging ang CSWDO ng Ginoog City, ay pinuntahan rin si Nanay Cornelia.

To Mr. Arnold Suwannee Vicente and to your wife from Australia thank you so much for sharing your blessings to NANAY ♥️ May God bless you and to your family ♥️

Posted by Marilou Mendoza Labanes on Sunday, 7 February 2021

Samantala, ayon naman sa komento ng nagngangalang Renan Kate Sabacajan Espinosa, ay hindi naman raw pinapabayaan ng gobyerno si Nanay Cornelia dahil may natatanggap siyang social pension.




Maliban rin dito, ay kasama rin sila sa SAP. Bukod pa nga raw sa tulong na ito ng gobyerno, ay binibigyan din sila ng supply kada dalawang buwan, dahil nga kabilang rin sila sa programang food assistance sa Brgy. Bal-ason.

THANK YOU SO MUCH FOR SHARING YOUR BLESSINGS TO NANAY EVERYONE ♥️ God is watching and may God bless you and your to…

Posted by Marilou Mendoza Labanes on Tuesday, 9 February 2021

Dahil nga sa kabutihang loob ni Marilou, ay naging daan ito upang matulungan si Nanay Cornelia kung saan ay nakabili ng kanilang groceries at iba pang pangangailangan ng kanyang anak at apo.

Isang napakalaking tulong ang ginawa ni Marilou, dahil ginamit niya sa tamang paraan ang social media upang ibahagi ang kalagayan ni Nanay Cornelia para matulungan ng mga may mabubuting kalooban. Nawa’y ang mga kagaya ni Marilou ay dumami nang sa gayon ay marami rin ang mga taong matulungan.

error: Content is protected !!