Isang Binata Hinangaan ng mga Netizens Matapos Makapagpatayo ng Sariling Bahay Bilang Regalo sa Kanyang Sarili sa Kanyang 21st Birthday

Kung ang ilang kabataan nga ay abala sa pagbili ng iba’t ibang gadget at luho sa buhay, kagaya ng mga mamahaling bag, sapatos at maging pagta-travel sa iba’t ibang lugar, isang binata naman ang hinangaan ng marami at nag-viral matapos makapagpatayo ng sariling bahay bilang regalo sa kanyang 21st birthday.

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook




Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Talaga namang kahanga-hanga, ang binata na nagngangalang si Japo Gonzales, dahil sa pagtuntong niya ng edad na 21 ay may sarili na siyang bahay.

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Ito nga ay nakamit ni Japo dahil sa kanyang pagiging masinop sa pera. Sa halip nga na bumili ng kung ano-anung luho at gumala, ay mas minabuti nito na ilaan ang pera sa kanyang dream house.

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Ibinahagi ni Japo sa Facebook ang mga larawan ng kanyang napakagandang bahay na animo’y disenyo ng bahay na makikita sa magazine. Nilakipan naman niya ito ng caption na puno ng inspirasyon at labis na pagpapasalamat.

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

β€œAfter 5months 5 days and 5 seconds! Eto na yung regalo ko sa aking kaarawan! Hehehe 😁 Eto na yung before and after kong itigil muna yung mga luho at mga gala ko. LORD MARAMING THANKYOU SO MUCH PO πŸ™ sa bagong biyaya na namin na natanggap ko at marami pang parating πŸ˜„ #LawOfAttraction at lalo na sa mga tumulong gumawa nito! PM details hahaha. Welcome sa aking New Studio Type weekend house. πŸ˜‚ Lahat namn nag sisimula sa maliit πŸ™‚. Happy 21st Birthday to me! πŸ’™πŸŒšπŸ˜β€

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Ang napakagandang bahay ni Japo ay isang maliit na studio type ngunit may magandang disenyo at may sapat na espasyo para sa isa hanggang dalawang tao na may maliit na anak, na maaaring tumira dito.

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Bagama’t, nakatayo sa maliit na lote at napapagitnaan ng dalawang bahay, ay nagawa ni Jabo na maging napakaganda at kahanga-hanga ang lumang bahay. Ngayon nga, ay makikita ang moderno nitong disenyo. May bakod at gate rin ang nasabing bahay. Maliban nga dito, ay makikita rin ang isang simple ngunit napakagandang balkonahe, mula sa naka-extend na bubong patungo sa bakod.

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Samantala, kompleto rin ang bahagi ng napakagandang bahay, kahit nga na maliit ay may kusina, sala at banyo rin ito. Ang living room nga nito, ay may sapat na espasyo para sa komportableng couch na pwede ring gawing higaan pagsapit ng gabi. May maliit na bar rin sa living room, na nagsisilbi ring dining area. At sa likod naman nito, ay isang kompleto sa kagamitang kusina at malinis ring tingnan.




Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Talaga namang kahanga-hanga ang naturang bahay, na bagama’t maliit ay napakagandang tingnan at kompleto rin sa kagamitan.

Photo credit: Japo Gonzales | Facebook

Ngunit, mas kahanga-hanga naman na si Jabo dahil sa edad niyang 21, ay nasa isip na ang magtayo ng sariling bahay na talaga namang kanyang naisakatuparan. Nagbigay nga ng inspirasyon si Jabo sa mga netizens, na talaga namang hinangaan ang kanyang abilidad.