Ipinakilala ni Angelica Panganiban ang kaniyang bagong Boyfriend na si Gregg Homan

Natural na sa buhay ng isang tao ang makaranas ng pagkabigo pagdating sa pag-ibig ngunit hindi ito ang dapat na maging dahilan upang tuluyang isara ang ating puso at isipan sa taong nais tayo mahalin.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Palagi nating tatandaan na hindi lamang iisang tao ang nasa mundong ito upang kabaliwan. Dahil sabi nga nila kapag merong umalis ay meron ding papalit na mas higit pa, mamahalin at pangangalagaan ka ng tunay.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Pagkatiwalaan lang natin ang panginoon dahil meron itong isang tao na talagang inilaan niya para sa atin at balang araw ay makakasama mo ito ng pang habang buhay. Tulad na lamang ng napakagandang aktres na si Angelica Panganiban na taas noo niyang ipinakilala ang kanyang bagong kasintahan na si Gregg Homan.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Makalipas ang mahabang panahon ng pagkabigo ni Angelica sa kanyang buhay pag-ibig ay sa wakas nakita na din niya ang taong muling nagpatibok sa kanyang puso at iibigin.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Makikita sa kanyang social media post ang isang litrato na kung saan kasama niya ang kanyang kasalukuyang kasintahan na si Gregg at kapansin pansin din ang napakacute nitong aso na nagngangalang Roxy na nakasingit sa pagitan ng dalawa.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Kasama ng nakakakilig na litrato ay ang maiksing kapsyon na kung saan tila si Roxy ay nagsasabi na magbigay ang dalawa ng espasyo upang makasama siya sa kanilang kinuha na litrato.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Matatandaan na nito lamang nagdaang bagong taon ay naging malaking palaisipan sa mga tagasubaybay at netizens ang litrato na ibinahagi ni Angelica sa kanyang social media account.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Makikita sa litrato na tila may hahalikan siyang isang lalaki sa kalagitnaan ng pagsalubong ng bagong taon ngunit sa panahon na ito ay hindi pa niya pinapakilala na ito pala si Gregg.

May kaakibat pa umano ito na isang maiksing kapsyon na inihalintulad niya si Gregg sa mga panahon na iyon sa isang pelikula na sana wala umano itong katapusan.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Makalipas ang isang buwan at ipinakilala na din niya sa mga tao kung sino ang kanyang kasintahan na kasama niya sa naunang litrato. Si Gregg ang kauna-unahang naging kasintahan ni Angelica na non-showbiz na nakilala ng mga tagahanga at tagasubaybay niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *