Ipinagdiwang ni Miriam Quiambao ang ika-dalawang taon na kaarawan ng kaniyang baby

Wala ng hihilingin pa ang isang ina kundi ang magkaroon ng isang anak. Marami ang mga babaeng nagnanais na magkaroon ng anak na siyang magiging dahilan upang mabuo ang kaniyang sarili at matawag na isang ina.


Image courtesy: Miriam Quiambao/Instagram


Image courtesy: Miriam Quiambao/Instagram

Marami man ang hindi nabibiyayaan ng supling, marami pa rin namang ina ang umaasa sa isang himala na mabibiyayaan sila ng munting sanggol.


Image courtesy: Miriam Quiambao/Instagram

Isa na rito ang dating beauty queen na si Miriam Quiambao na kamakailan lamang ay ipinakita sa social media ang kaniyang miracle baby na si Elijah na magdiriwang ng kaniyang ika-dalawang taong kaarawan.


Image courtesy: Miriam Quiambao/Instagram

Sa kaniyang Instagram account noong Miyerkules ng Pebrero 17, ay makikitang ibinahagi ni Miriam ang mga napakacute na mga larawan ni Elijah habang siya ay lumalaki na may kasamang nakakaantig na mensahe para sa kaniyang anak.


Image courtesy: Miriam Quiambao/Instagram

Ibinahagi rin ni Miriam na ang kaniyang dating ipinagbubuntis na kasing laki lamang ng isang blueberry sa kaniyang sinapupunan ngayon ay magdadalawang taon na.


Image courtesy: Miriam Quiambao/Instagram

Bilang isang ina, ay nagpapasalamat siya sa pagdating sa kaniya ng kaniyang anak na si Elijah at ang tanging kahilingan niya lamang sa kaniyang anak na si Elijah ay palaging e-blessed at gabayan ng Panginoon sa araw-araw at ilayo sa ano mang kapahamakan at bigyan malusog na pangangatawan.


Image courtesy: Miriam Quiambao/Instagram

Ipinagdiwang ni Elijah ang kaniyang ika-dalawang taong kaarawan noong Pebrero 16, 2021, subalit, ayon sa kaniyang inang si Miriam ay hindi nila ito naipagdiwang sa kadahilanang nagkalagnat si Elijah ng dalawang araw.


Image courtesy: Miriam Quiambao/Instagram

Si Elijah Roberto ay ang unang anak ni Miriam sa kaniyang asawang si Ardy Roberto. Si Miriam ay naging Miss Universe noong taong 1999 na kung saan ay ipinagbuntis niya si Elijah sa edad na 43 taong gulang, pagkatapos ng apat na tao ng pagsubok at pakikibaka nilang mag-asawa na mabuntis siya.


Image courtesy: Miriam Quiambao/Instagram

Noong nakaraang Disyembre ay ibinalita ni Miriam at ng kaniyang asawa na inaasahan nila ang pagdating ng kanilang pangalawang anak. Ikinasal sina Miriam Quiambao at Eduardo “Ardy” Roberto Jr. noong Marso 25, 2014.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *