Ipinagdiwang ni Kim Domingo ang kaniyang kaarawan sa puntod ng kaniyang yumaong Bestfriend

Isa sa mga tao na hindi natin malilimutan ay ang ating matalik na kaibigan. Sila yung tao na kahit hindi mo kaano-ano ay itinuturing mo pa din na parang kapatid.


Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Ang tunay na kaibigan ay sila iyong nandiyan lagi sa iyong tabi sa hirap at ginhawa at kahit magkalayo man kayo ay hindi niyo malimutan ang isa’t-isa.


Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Ngunit minsan hindi natin maiwasan na iyong tao na ating itinuturing na kapatid ay mawawala sa ating landas nang biglaan. Kahit ganoon pa man ay patuloy pa din nating binibigyan sila ng importansiya dahil isa sila sa mga tao na nagbigay ng liwanag sa ating buhay.


Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Tulad na lamang ng napakagandang aktres na si Kim Domingo na nagawang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa puntod ng kanyang yumaong matalik na kaibigan.


Image courtesy: Kim Domingo/Instagram


Image courtesy: Kim Domingo/Facebook

Kung ating natatandaan na nitong nagdaang taon lamang ay ibinalita ni Kim Domingo ang pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan sa loob ng 10 taon.


Image courtesy: Kim Domingo/Facebook

Ang pangyayari na ito ay nagdala ng lubos na pagkalungkot sa aktres dahil tinuturing niya ito na parang tunay na kapatid. Ngayon umano ang kanyang unang taon na magdiriwang siya ng kanyang kaarawan na hindi kapiling ang kanyang matalik na kaibigan.


Image courtesy: Kim Domingo/Facebook

Kung kaya naisipan niya na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa puntod ng kanyang kaibigan. Makikita sa ibinahagi na litrato ng aktres sa kanyang social media account na dinalhan niya ng pagkain ang yumaong kaibigan sa puntod nito.


Image courtesy: Kim Domingo/Facebook

Kasama ng litrato ay meron itong maiksing mensahe para kanyang kaibigan. Saad ni Kim na ito ang una niyang kaarawan na hindi niya kasama ang kanyang kaibigan kung kaya pakiramdam niya na hindi ito kompleto.


Image courtesy: Kim Domingo/Facebook

Dagdag pa niya na kahit ganun pa man ay alam naman niya na masaya na ito kung nasaan man siya.Sobrang miss na umano ni Kim ang kanyang kaibigan at alam niya na kahit wala na ito sa mundong ibabaw ay nagagawa pa din nito na bantayan siya.


Image courtesy: Kim Domingo/Facebook

Madami sa mga netizens ang nagpahatid ng kanilang pagbati kasabay ng kanilang pakikisimpatiya sa aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *