Inamin ni Claudine Barretto na hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagmamahal sa yumaong aktor na si Rico Yan

Isa sa mahirap na bagay na gawin bilang isang tao ay ang kalimutan ang unang tao na inibig natin ng tunay na siyang nagturo sa atin kung paano umiibig ng lubos.


Image courtesy: Janelle Jamer/Youtube

Nangyayari minsan ang mga ganitong mga bagay sa ating buhay dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari na nagiging sanhi din ng malaking pagbabago sa ating pag-uugali.


Image courtesy: Janelle Jamer/Youtube

Lumipas man ang madaming taon mananatiling ang unang minahal mo ng tunay ang lagi mong maalala sa tuwing nalulungkot ka. Tulad na lamang ng nararamdaman ng batikang aktres na si Claudine Barretto na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa din niya nalilimutan si Rico Yan.

Si Rico Yan ang isa sa mga tao na talagang nagpatibok sa puso ng aktres ngunit sa kasawiang palad ay naudlot ang pagmamahalan na ito dahil sa hindi inaasahang pangyayari.


Image courtesy: Janelle Jamer/Youtube

Kung ating natatandaan na si Rico Yan ay pumanaw noong Marso 29 taong 2002 sa Puerto Princesa dahil sa isang hindi inaasahang karamdaman na humantong sa biglaang paglisan nito.


Image courtesy: Janelle Jamer/Youtube

Natagpuan siya ng kanyang kaibigan na si Dominic Ochoa sa kanyang kwarto na wala ng buhay. Marami ang nasaktan sa pagkawala ng aktor at isa na rito si Claudine Barretto.


Image courtesy: Claudine Barretto/Instagram

Kamakailan lamang ay naging parte si Claudine sa isang Vlog na kung saan tinanong siya kung bakit magpahanggang ngayon ay naapektuhan pa din siya kapag ang usapan ay si Rico Yan.

Wala namang takot at pangamba na sinambit ng aktres na mahal pa din niya hanggang ngayon ang yumaong aktor. Paliwanag ng aktres na siguro na mas lalo pa lumalabas ang pakiramdam ng isang tao kung ang ito ay patungkol sa yamaong minahal mo.


Image courtesy: Claudine Barretto/Instagram

Nang tanungin ulit ang aktres kung meron ba siyang pagsisisi sa kanyang mga dating relasyon. Saad naman niya na meron, at ito ay sana nakasama pa umano niya si Rico ng mas matagal pa na panahon.


Image courtesy: rico4claudine4ever/Instagram

Dagdag pa niya na sana kasama niya ang aktor ung mga panahon na nangyari ang hindi inaasahan at baka sakali naagapan.


Image courtesy: rico4claudine4ever/Instagram

Dito mo marereyalisa na hanggat maaga pa ay dapat iparamdam natin sa lahat ng tao sa paligid natin ang pagmamahal na gusto mo iparamdam at wala dapat tayong sinasayang na oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *