Ibinahagi ng Dating Aktres na si Karla Humphries na Hindi Biro ang Mamuhay at Maghanap-buhay sa ibang bansa

Marami sa ating mga kababayan ang nakikibaka sa ibang bansa upang masuportahan ang kanilang mga pamilya. Ngunit para sa kanila hindi ito madali dahil ang malayo sa sarili mong bansa at pamilya ay nakakalungkot.


Image courtesy: Carl Humphries/Instagram

Mayroon ding mga tao na pumupunta sa ibang bansa upang makilala pa lalo ang sarili at malabanan ang nararamdaman sa kanyang buhay.

Tulad na lamang ng kilalang aktres na si Carla Humphries na nahirapang mamuhay sa US habang nilalaban ang stress at pagiging depress


Image courtesy: Carl Humphries/Instagram

Ibinahagi ni Carla ang kanyang mga naging karanasan sa US sa isang Vlog ni Michelle Madrigal. Madami silang pinag-usapan tungkol sa mga naranasan nila sa buhay at dito ibinahagi ni Carla ang matagal na niyang nararamdaman.

Saad ni Carla sa vlog na nahirapan siya noong una pa lamang nang pagtapak niya sa US dahil wala ni isang miyembro ng pamilya niya ang nandoon at wala din siyang isang bagay na maaari niyang pagkakakitaan at kasalukuyan ding nakakaranas siya ng karamdaman.


Image courtesy: Carl Humphries/Instagram

Nang masabi ni Carla ang kaniyang hindi magandang nararanasan kay Michelle ay dali dali naman nito agad ibinahagi ang kaugalian ng mga Pilipino sa tuwing merong taong nagsasabi na nakakaranas sila ng pagkalumbay.

Saad ni Michelle na hindi sineseryoso masyado ng mga pinoy ang taong nagsasabi na meron silang depresyon na tila hindi sila naniniwala sa depresyon.


Image courtesy: Carl Humphries/Instagram

Lagi na lang umano iginigiit ng mga ibang Pilipino na ang depresyon ay nasa isip lamang at mawawala din iyan agad-agad. Dagdag pa ni Michelle na tila isang kahihiyan sa isang tao ang makaranas ng depresyon.

Kung kaya payo niya na kung sakali man na may lumapit sa iyo na nagsasabi na meron siyang depresyon ay dapat natin itong tulungan at hindi basta baliwalain dahil kung sakali man na hindi mo pansinin ay maaring maghanap ito ng ibang bagay na maaari niyang gawin na makakasira sa kanyang sarili.


Image courtesy: Carl Humphries/Instagram

Saad naman ni Carla na hangga’t hindi mo umano nailalabas ang mga emosyon na gusto mo ilabas ay makakagawa ka ng mga bagay na hindi kanais-nais.


Image courtesy: Carl Humphries/Instagram

Matapos nila mag kwentuhan tungkol sa depresyon ay ibinahagi naman niya ang kanyang naging buhay sa US. Saad ni Karla na noong nakarating siya sa US ay iyon ang mga panahon na magsisimula pa lamang ang pandemya.


Image courtesy: Carl Humphries/Instagram

Wala umano siyang titirahan. Mabuti na lang ay merong nagmagandang loob ang nag-alok na doon muna siya manatili noong mga panahon ng lockdown.


Image courtesy: Carl Humphries/Instagram

Nanatili siya sa LA upang ipagpatuloy ang kanyang gustong gawin ngunit hindi ganoon kadali para sa aktres. Ibinahagi niya na hindi porket nasa ibang bansa ka ay mayaman ka na.


Image courtesy: Carl Humphries/Instagram

Dahil puro hirap ang mararanasan mo doon kung hindi ka magsusumikap. Naalala niya tuloy ang Pilipinas dahil dito sa atin ay lagi nandyan ang mga tao sa paligid mo na kahit mga estranghero ay handa kang tulungan sa iyong nararanasan na paghihirap hindi tulad sa ibang bansa na kapag wala kang mga kakilala at kaibigan ay wala ka talagang matatakbuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *