Heart Evangelista ipinagdiwang ang kaniyang ika-36 na kaarawan sa Benguet

Sa bawat taong dumaraan ay siya ring ipinagdiriwang natin ang ating kaarawan. Minsan ipinagdiriwang natin ang ating kaarawan kasabay ng isa sa pinakamahalagang araw din na ipinagdiriwang ng bawat tao.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Sa ganitong kaganapan ay nagkakaroon tayo ng isang espesyal na okasyon sapagkat napakamemorable sayo ang araw na ito na kahit sino ay hinding-hindi makakalimot na ipagdiwang ito.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Isa si Heart Evangelista sa nabiyayaan ng ganitong klase ng okasyon, na kung saan ay nagkasabay ang kaniyang kaarawan sa isa sa pinakamahalagang pangyayari o kaganapan na ipinagdiriwang ng bawat tao.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Nito lamang Linggo ng Pebrero 14 ay ipinagdiriwang ni Heart Evangelista ang kaniyang ika-36 na kaarawan kasabay sa pagdiriwang ng araw ng mga puso.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Ginanap ang kaarawan ng Kapuso aktres at fashion icon sa isang log cabin malapit sa Baguio City na kung saan ay kasama sa mga nakisaya at nagdiwang ng kaniyang kaarawan ang kaniyang mga pamilya at malalapit na mga kaibigan.

Makikita sa Instagram stories ni Heart ang ilan sa mga nakuhanang kaganapan sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan na kung saan ay nagpapasalamat din siya sa mga taong bumati sa kaniyang espesyal na araw.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Ayon kay Heart ay sobrang naramdaman niya ang pagmamahal at presensya ng bawat tao sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan at nais rin niya na maramdaman din ng bawat tao ang sayang kaniyang nararamdaman.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Maliban sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan at araw ng mga puso ay ipinagdiwang din nina Heart at ng kaniyang asawang si Chiz Escudero ang kanilang ika-anim na anibersaryo ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Ikinasal si Love Marie Payawal Ongpauco o mas kilala bilang si Heart Evangelista kay Senator Francis “Chiz” Escudero isang gobernador sa Sorsogon noong Pebrero 15, 2015 sa Balesin Island Club pagkatapos ng tatlong taong magkasintahan.
Si Heart Evangelista ay anak nina Reynaldo Evangelista Ongpauco at Maria Cecilia del Gallego Payawal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *