Ethel Booba, labis-labis ang kasiyahan ngayong mayroon na siyang binuo na sariling pamilya

Hindi natin maikakaila ang sobrang kaligayahang nararamdaman natin sa tuwing kasama ang ating pamilya. Minsan nasasabi natin sa ating sarili na kung pwede lang pigilan natin ang oras para mas lalo pa nating maiparamdam ang saya at pagmamahal sa kanila.


Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Ano mang hamon at pagsubok ang dumating sa buhay ay kayang-kaya natin lagpasan kapag buo at magkasama ang isang pamilya.


Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Katulad na lamang ng isang sikat na mang-aawit, aktres at komedyante na si Ethel Booba na sa kahaba-haba ng paghihintay sa kaniyang buhay pag-ibig ay sa wakas nahanap niya na din ang kaniyang forever.


Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Nagsimula ang kuwento ng kanilang pag-ibig sa Boracay kung saan ay naimbitahan si Jessie Salazar at ang kaniyang mga kasama sa isang pagdiriwang ng mga LGBT na sa hindi inaasahan ay nandoon din si Ethel Booba na naging daan upang magkakilala ang dalawa.


Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Ang kanilang lovestory ay kwento ng mga taong pinagtagpo at itinadhana sa isa’t isa dahil ayon kay Ethel Booba ay wala sa kaniyang plano ang maghanap ng boyfriend sa kadahilanang ini-enjoy niya muna ang kaniyang buhay single ngunit itinadhanang dumating sa kaniyang buhay si Jessie at dito na nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang buhay.


Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Taong 2017 nang maging sila si Jessie at sa kalaunan ay biniyayaan ng langit ang kanilang magandang pagsasama ng isang munting anghel na babae.

Sa edad na 42-taong gulang ay hindi na inaasahan ni Ethel na mabubuntis pa siya, at maging isang tunay na ina sa kaniyang anak.


Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Si baby Michaela ay binansagan ni Ethel na little Booba. Kung inyong makikita at mapapanuod sa kaniyang YouTube channel, si Ethel ay aktibong ibinabahagi ang masayang pamumuhay mayroon ang kaniyang pamilya.


Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Makikita at mapapanuod sa kaniyang pinakabagong upload ang araw na bininyagan ang kanilang anak. Katulad ng kaniyang ina ay napakamasayahin ni Michaela na talaga namang makikita at mapapansin sa mga kuhang larawan sa kaniya.


Image courtesy: Ethel Booba/Instagram

Maraming mga positibong komento ang ibinahagi ng mga tagahanga at tagasuporta ni Ethel Booba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *