Maraming mga mag-aaral ngayon na pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho, ito ay upang tustusan ang kanilang pag-aaral dala na rin ng kakulangan sa pinansyal ng pamilya. Sa kabila ng hirap na mapagsabay ang trabaho at pag-aaral, ay patuloy pa rin itong ginagawa ang maraming kabataan, dahil sa kinakailangan nila ang kumita para pandagdag sa panggastos nila sa kanilang pag-aaral.
Karamihan sa mga trabaho at ekstrang pagkakakitaan na ginagawa ng mga estudyante na gustong kumita habang sila’y nag-aaral, ay ang paglalako o pagbebenta. Kung saan batid natin na ang kita ay hindi naman kalakihan, at hindi naman araw-araw ay siguradong may kikitain nga.
Kamakailan lamang ay isang estudyante na naglalako ng pastillas ang nag-viral online, ito ay matapos mapanood ng maraming mga online users ang isang video, kung saan noong una ay tila pinagkakatuwaan o pinagtitripan ito ng isang lalaking umiinom ng alak.
Mapapanood nga sa naturang viral video, na lakas loob na lumapit ang estudyante sa nag-iinuman upang i-alok sa mga ito ang kanyang panindang pastillas.
Sa unang tingin nga, ay tila pinagtitripan lamang ng mga umiinom na kalalakihan ang estudyante, dahil sa kanilang pagtatawanan.
Isang lalaki na bakas sa hitsura na nakainom na ang nag-umpisang magtanong sa estudyante, at dahil nga sa mga nakainom na ang mga lalaking kanyang nilapitan ay mababakas sa estudyanteng nagtitinda ng pastillas na siya’y kinakabahan.
Maririnig nga ang naging katanungan ng lalaki sa estudyante, na kung bakit ito ay ito ay naging isang tindero, na sinagot naman ng binata na kaya siya nagtitinda ay para pandagdag gastos sa kanyang pag-aaral.
Marahil ay namangha ang lalaking nakainom sa kasipagan ng estudyanteng nagbebenta ng pastillas, kaya naman ng malaman nito na nagkakahalaga ng P1,000 ang lahat ng paninda nito, ay binigyan niya ito ng naturang halaga ng pera na dapat ay kitain nito kapag naubos na ang paninda nitong pastillas.
Hindi rin kinuha ng lalaking nakainom ang paninda ng estudyante, bagkus ay sinabi niya rito na umuwi na ito upang makapagpahinga na, at bukas na lamang nito ibenta ang kanyang mga paninda.
Ngunit dahil sa disperas ng bagong taon ng magkrus ang landas ng estudyante at ng lalaking nakainom na, ay imbis na P1000 lamang ang ibigay nito, ay ginawa na nitong P1,500 ang biyayang ibinigay para sa estudyante.
Makikita nga na labis ang naging kasiyahan ng estudyante sa natanggap niyang biyaya sa mga taong kahit hindi niya kilala, ay inabutan siya ng biyaya.
Ayon nga sa lalaki, ang biyayang ibinahagi niya sa estudyante ay galing sa “itaas”, kaya dapat ibalik din ang pasasalamat sa pamamgitan ng panalangin.
Niyakap pa nga ng lalaki ang estudyante, na lalo pa ngang naging emosyonal ng mga pagkakataong iyon. At ng papa-alis na nga ang estudyante, ay sinabi naman ng lalaki na kung magkakaroon ito ng oras, ay hanapin nito sa Facebook ang pagmamay-ari nilang SabrinaCio Footwear, para malaman nila kung ito ay ga-graduate na.
Umani naman ng labis na paghanga mula sa mga netizens ang pamilya na nagmamay-ari ng SabrinaCio Footwear, na matatagpuan umano sa Bulacan, dahil sa naging pagtulong nila sa estudyante. Pinuri rin nila ang pamilya, dahil sa ginagawa nitong pagbabahagi sa kapwa ng mga biyayang kanilang natatanggap, ito ay kahit sa simple at maliit na pamamaraan lamang.