Boyfriend ni Sofia Andres na si Daniel Miranda, Nagmula sa Marangyang Pamilya sa Cebu na Mayroong Napakaraming Ari-Arian

Noong nakaraang taon ng buwan ng Hunyo, ay ginulat ng aktres na si Sophia Andres ang publiko ng kanyang ibunyag ang pagkakaroon na niya ng anak, at ang ama nga nito ay ang kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

Magmula nga ng ibunyag ng aktres ang pagkakaroon niya ng anak ay marami sa mga netizens ang nagtatanong at nais na mas makikilala pa kung sino nga ba at ano ang pagkatao ng lalaking bumihag sa puso ng isa sa pinakamagagandang aktres sa industriya ng showbiz.

At ayon nga sa mga naging ulat patungkol kay Daniel Miranda, ay napag-alaman nga na ito ay kilala bilang isang international car racer, kung saan ay napakarami na niyang sinalihang mga kumpitisyon na ginanap sa iba’t ibang mga bansa.

Sa mga kumpitisyon ni Daniel ay lag ingang nasa tabi niya si Sophia, at ‘full support’ ito.

Samantala, maliban nga sa pagiging isang popular at mahusay na international car racer, ay napag-alaman rin natin na mula sa isang marangyang pamilya ang lalaking bumihag sa puso ng aktres.
Si Daniel ay isa sa mga apo ng mayamang mag-asawa na sina Edna Diago Lhuillier at Philippe Lhuillier, ang siya ngang nagmamay-ari ng isa sa pinaka-kilala at pinaka-malaking pawnshop sa Pilipinas na mayroon ng napakaraming mga branches sa iba’t ibang parte ng nasabing bansa.

Base pa sa mga naging ulat, ang ama ni Daniel ay isa ring drag racer, professional karter, motorcross rider, na kinilala ngang si Martin Miranda. Ang ina naman ng binata ay isang matagumpay na negosyante na kinilala namang si Angelique Lhuillier.

Ayon naman sa Pinoy Trendz, ang ‘grandfather’ ni Daniel na si Philippe ay isa sa mga pinaka-respetadong tao sa bansa.

“Philippe is a diplomat, businessman and philanthropist best know for being the ambassador of the Philippines to Spain, as well as former ambassador to Italy and chairman of Cebuana Lhuillier Pawnshop.”

Ang ina naman ni Daniel na si Angelique ay ang co-owner rin ng isang auction house na matatagpuan sa Paranaque at ito nga ay ang Casa De Memoria, na dating Palacio De Memoria.
Itinuturing ng pamilya ni Daniel Miranda na ‘heritage house’ ang Palacio De Memoria, kung saan ang napakalaking mansyon na ito ay naglalaman ng mga mamahaling kagamitan na milyon ang mga halaga.

Maliban pa sa mga ari-arian nilang ito, ay nagmamay-ari rin ng pribadong eroplano ang pamilya ni Daniel, na naka-park sa bakuran ng kanilang tahanan.

Ang pagkahilig ni Daniel Miranda sa car racing ay nagsimula pa noong siya ay bata pa, kung saan sa kanya ngang paglaki ay pinursige niya ang kanyang hilig hanggang sa maging popular nga siya sa field ng car racing.

4 Replies to “Boyfriend ni Sofia Andres na si Daniel Miranda, Nagmula sa Marangyang Pamilya sa Cebu na Mayroong Napakaraming Ari-Arian

  1. Good reviews are like gold in the online world. If you want to boost your business and attract more customers, you need to have a strong online reputation. Let me show you how to get there with authentic 5-star reviews. Go to: http://www.rankfast.xyz

  2. Hi,

    I intend to contribute a guest post to your website that will help you get good traffic as well as interest your readers.

    Shall I send you the topics then?

    Best,
    James J. Fair

  3. Hi,

    I intend to contribute a guest post to your website that will help you get good traffic as well as interest your readers.

    Shall I send you the topics then?

    Best,
    Alvina Miller

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *