Isang Bata, Nakatangap ng Freebies sa isang Tea Shop at Papuri sa mga Netizens Matapos Bilhan ng Milk Tea ang kanyang Ina Bilang Valentines Gift

Sa pagdiriwang natin ng Araw ng mg Puso ang isa mga paraan upang maiparating natin sa ating mga mahal sa buhay ang ating pagmamahal sa kanila. Kahit sa pagbibigay na lamang ng mga simpleng regalo kagaya ng mga bulaklak at tsokolate ay nagbibigay na ng kasiyahan. Ganito na lamang ipinakita ng isang bata ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang sa ina.




Ang batang ito ay nagbenta ng sorbetes sa kalye upang kumita ng pera para sa kaniyang ina. Dahil Araw ng mg Puso naisipan ng batang ito na bigyan ng regalo ang kaniyang ina. Kaya ang kaniyang kinitang pera sa pagbebenta ng sorbestes ay ibinili niya ng milk tea sa isang Milk Tea Shop HO CHAYA sa San Fernando, Pampanga.

Naantig ang puso ng mga empleyado ng Milk Tea Shop dahil sa pagbili ng bata ng milk tea na para sa kaniya ina na inakala nilang para mismo sa bata. Kaya binigyan nila ito ng freebies ng isang free mug dahil namangha sila sa pagmamahal ng bata sa kaniyang ina.

Photo Credits: Facebook.com

Kaya ibinahagi ng Milk Tea Shop ang kwento ng batang ito sa kanilang facebook page. Ayon sa kanila, ang batang ito ay kumita ng Php120.00 mula sa kaniyang nabentang mga sorbetes sa kalye noong araw mismo ng mga puso.

Sa halip daw na itago niya ang kaniyang kinita o ibili na lamang ito ng kaniyang gustong kainin ay nagdesisyon itong pumunta na lamang sa Milk Tea Shop HO CHAYA upang bumili na lamang ng milk tea bilang kaniyang regalo sa kaniyang ina para sa valentine’s day.

Ayon sa cashier ng Milk Tea Shop, na inalokan niya ang bata na bumili ng dalawang milk tea para mabigyan siya ng free mug, kaya lang dahil nga sa kulang ang pera ng bata nagtanong na lang di-umano ito kung anong milk tea ang magkakasya sa Php120.00 dahil iyon lamang ang pera mayroon siya. Kaya laking tuwa ng bata ng makuha na niya ang kaniyang milk tea at sabay sabing para iyon sa kaniyang ina.




Kaya halos maluha ang cashier ng Milk Tea Shop ng malaman niyang para pala iyon sa ina ng bata. Dahil sa naantig ang kaniyang puso, ay binigyan niya na lamang ng free mug ang bata kahit hindi naka-promo ang binili nitong milk tea.

Photo Credits: Facebook.com

Dagdag pa ng Milk Tea Shop, sadyang nakakaantig ng puso ang pagmamahal ng bata sa kaniyang ina sa kabila ng hirap ng buhay na kanilang pinagdadaanan ay naiisip niya pa rin na kahit sa simpleng paraan ay maipakita niya sa kaniyang ina kung gaano niya ito kamahal.