Binati si Willie Revillame sa kaniyang ika-60 na kaarawan ng kaniyang anak na si Meryll Soriano

Hindi mapantayang saya ang nararamdaman ng isang magulang na nagagawang alalahanin at batiin ito ng isang anak sa araw mismo ng kanyang kaarawan. Madami man ang pagkakataon na hindi kayo magkasama ay hindi ito nagiging hadlang upang hindi mo mahalin ang iyong mga magulang. Sapagkat nagiging daan pa ito upang mas tumibay pa ang samahan ninyo bilang isang pamilya.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Tulad na lamang ng anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano na nagawang batiin siya sa kanyang ika-60 kaarawan. Makikita sa social media ni Meryll ang maiksi ngunit nakakakilig na mensahe para sa kanyang ama na si Willie.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Mababasa sa post ni Meryll na binabati niya ng maligayang kaarawan ang kanyang ama na si Willie at mahal na mahal umano niya ito.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Alam naman natin na mayroon dating hindi pagkakaunawaan ang dalawa subalit habang tumatagal nakikita naman natin sa mga post ni Meryll na nagkakamabutihan na silang dalawa ng kanyang ama na si Willie.


Image courtesy: Willie Revillame/Instagram

Mapapansin din sa social media ni Meryll na mas madalas na ito mag post ng mga litrato kasama ang kanyang ama.
Anak ni Willie Revillame si Merryl kay Bec-Bec Soriano na kapatid ng kilalang aktres na si Maricel Soriano. Tulad ni Maricel Soriano na Auntie ni Meryll ay isa din siyang sikat at kilalang aktres.


Image courtesy: Willie Revillame/Instagram

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Meryll ng mga netizens dahil sa panganganak niya at ang ama ng bata ay si Joem Bascon na kanyang childhood sweetheart. Meron na din naunang anak si Meryll sa dating niyang partner na si Bernard Palanca na nag-ngangalang Elijah.


Image courtesy: Willie Revillame/Instagram

Maliban sa mga litrato na makikita natin sa kanyang social media na kasama niya ang kanyang ama na si Willie ay makikita din ang mga kyut na litrato ng kanyang bagong anak na sa ngayon ay hindi pa pinapaalam sa publiko ang pangalan.


Image courtesy: Willie Revillame/Instagram

Marami sa mga netizens ang nagagalak sa mga nagaganap sa buhay ngayon ng aktres dahil sa pagpapala na ibinigay sa kanya ng Panginoon ngayong taonn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *