Video ng Isang Kompanya na Nag Saboy ng Pera sa Sahig Para sa Kanilang mga Empleyado, Viral sa Social Media

Ang nakalipas na taon ay hindi naging maganda ang naidulot nito sa buhay ng bawat isa. Isang taong may mga nakakalungkot na pangyayari ngunit pilit pa ring nilalampasan. Ngunit sa kabila ng pandemiya may mga bagay pa rin ang hindi kumukupas lalo na ang mga tradisyon sa pagpasok ng bagong taon.

Katulad na lamang ng videong ito na nag-viral sa social media dahil sa nakakaaliw na tradisyon na ito sa kanilang kompanya sa pagpasok ng bagong taon. Itong video na ito ay ipinost ni Joreen Cuerdo Ruzol kung saan makikitang nagsaboy ng mga pera ang isa sa mga tao ng kompanyang kanilang pinagtatrabahuan.

Photo Credits: Joreen Cuerdo Ruzol | Facebook

Lahat silang mga empleyado ay kanya-kanyang pulot ng mga perang isinaboy sa loob ng kanilang kompanya. Pagbigay ng hudyat ng isang empleyado sa pagbukas ng pinto ay agad na nagsipag-pasukan ang mga empleyado.

Ang mga empleyado ay tuwang-tuwa sa pag-uunahan nila ng pulot ng mga pera at may kanya-kanya pa silang bag na lalagyan ng perang kanilang makukuha. Sila ay nag-uunahang masimot ang bawat pera na kanilang makikita sa loob ng kanilang opisina.

Ang bawat isa ay kung saan-saan napunta upang may makuha lang na pera. Ayon sa isang empleyadong kumukuha ng video ay iilang minuto pa lang ang nakalilipas ay mukhang nasimot na nila ang bawat sulok. Dahil sa ganito nilang tradisyon ang nagbigay ng kasiyahan sa unang pagpasok ng bagong taon. Ito ang kanilang salubong sa unang araw ng kanilang trabaho. Matapos ang kanilang pamumulot ipinakita nila ang halaga ng kanilang mga napulot na mga pera.

Photo Credits: Joreen Cuerdo Ruzol | Facebook

Kaya lubos na nagpapasalamat ang mga empleyado sa kanilang kompanya, ayon sa kanilang post na may caption na

“Happy New Year”, “Our yearly tradition of our first day of work”

Itong ganitong klaseng tradisyon ay nagpapatunay lamang na tayo nagpapahalaga sa ating kapwa. Mahirap man ang pinagdaanan nagbibigay pa rin tayo ng pagkakataon sa iba upang sila ay magsipag pa lalo sa kanilang mga trabaho. Nawa’y bigyan pa ng maraming pagpapala ang kompanyang ito.