Stories
Mag-asawang Nangangalakal ng Basura, Tinulongan Maisakatuparan ang Pangarap na Pagpapakasal sa Tulong ng mga Wedding Suppliers at Coordinators Matapos Mag-ambagan ang mga ito

May mag-asawang mangangalakal ng basura ngayon ang viral sa social media, dahil sa naging katuparan nito sa kanilang matagal ng pangarap na pagpapakasal.
Photo Credits: Facebook.com
Ang mag-asawang ito ay sina Rosalyn Ferrer at Rommel Basco na taga Angeles, Pampanga City. Ang dalawa ay halos 24 na taon ng nagsasama. Sila ay may anim na anak at nakatira lamang sila sa isang barong-barong sa isang bakanteng lote.
Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kaya hindi na nila nagawa pa ang magpakasal. Pangangalakal lamang ng basura ang ikinabubuhay nila Rosalyn at Rommel sa kanilang pamilya. Sa kabila ng pandemiya, nananatiling positibo ang kanilang pananaw sa buhay na sila ay makakahaon din sa kahirapan.
Photo Credits: Facebook.com
Dahil sa kanilang magandang pagsasama at pagmamahalan ang netizen na si Richard Strandz ang nakapansin ng kanilang love story kung kaya’t binigyan niya ng tulong ang mag-asawa upang maisakatuparan ang kanilang pangarap na maikasal. Ayon kay Richard labis kasi siyang natuwa sa love story ng dalawa at kung paano sila nanatiling masaya at punong puno ng pagmamahalan ang kanilang pamilya. Kaya naisipan niyang tulungan sila Rosalyn at Rommel na maging ganap ang kanilang pagiging mag-asawa.
Photo Credits: Facebook.com
Si Richard ang nanguna para sa isang charity wedding nila Rosalyn at Rommel. Ang grupo ng mga wedding supplier at event coordinator ng Pampanga City ay nag-ambagan upang maisagawa ang pagpapakasal ng dalawa.
Una muna nilang binigyan ng prenup pictorial ang mag-asawa na nagsimula sa gitna ng pedestrian lane, sa gitna ng traffic, at sa gitna ng mga kalakal na mismo nilang tinatrabaho sa bawat araw. Siyempre sa pangunguna ng fashion stylist at makeup artist na si Richard ay nabigyan ng libreng hair and make-up, gown, suit, photos at videos ang mag-asawa.
Photo Credits: Facebook.com
Ayon pa kay Richard, “Tinry ko na kausapin lahat yung mga Pampanga suppliers na mga friend natin and then pumayag naman sila.” Bukod pa prenup pictorial na kanilang isinagawa ay naghahanda rin ang grupo nila Richard na bigyan ng isang magarbong kasal ang mag-asawa upang maranasan naman nila ang ganitong klase ng kasal.
Na sa kabila ng kanilang kinakaharap na kahirapan ay may isang magandang karanasan silang madadala nila hanggang sa kanilang pagtanda.
Photo Credits: Facebook.com
Kaya bilang parte na kanilang paghahanda tinutulungan din ni Richard sila Rosalyn at Rommel na mag-ayos ng kanilang Cenomar at Birth Certificates para sa pag-aayos ng kanilang marriage license. Lingid sa kaalaman ng mag-asawa na ang kanilang simpleng kasal ay magiging isang magarbong kasal.
