AJ Raval, Itinuturing na Tunay na Ina ang Legal Wife ng Kanyang Amang si Eric Raval Dahil sa Naging Pag-aaruga at Pagmamahal Nito sa Kanya na Parang Tunay Ring Anak

Kamakailan lamang ay nag-trending sa social media ang aktor na si Jeric Raval, matapos nitong isiwalat na labingwalo ang kanyang mga anak sa iba’t ibang mga babae.

Hindi naman umano ikinagulat ng dalaga nitong anak na si AJ Raval, ang naging pag-amin ng kanyang ama, ito ay dahil sa bata pa lamang siya ay ipinamulat na sa kanya ng amang aktor na wala siyang kapatid sa labas, dahil kapag kapatid niya ay kapatid niya.

“Ang sabi ng tatay ko, walang kapatid sa labas, kapag kapatid mo, kapatid mo”, ani AJ.
Ibinahagi rin ng aktres kung ano bilang ama si Jeric Raval.

“Very protective, makulit, at super lambing”, dagdag pa ng dalagang anak ni Jeric Raval.

Marami naman sa atin ang nakaka-alam na si AJ Raval ay anak ni Jeric Raval sa sexy star na si Alyssa Alvarez. Ngunit ang hindi natin alam, ay lumaki pala ang dalaga sa pangangalaga ng kanyang stepmother o ang legal na asawa ni Jeric na si Holiday.

Ayon sa naging pahayag ni AJ sa isang panayam ng Cabinet Files sa kanya, ang tunay na asawa ng ama niyang si Jeric ang kinagisnan niyang ina. Dahil ito ang nag-alaga sa kanya mula siya ay 3-taong gulang pa lamang hanggang siya ay mag 14-taong gulang na.

Dagdag pa ni AJ itinuturing niyang tunay na ina ang kanyang stepmother na si Holiday, na kung tawagin nga niya ay si “Deyow.”

“Yes, ka Deyow ako lumaki and dala-dala ko ang family name niya.
“To be honest, siya talaga ang alam ko na mother ko nung bata po ako.
“Of course, minahal ko si Deyow. Inalagaan niya ako, minahal, tinanggap, pinalaki ng maayos at tinaruang makipag-kapwa tao”, ani AJ sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Noon ngang bumalik si AJ sa pangangalaga ng kanyang biological mom na si Alyssa Alvarez, ay ikinalungkot nito ng husto ang pag-alis niya sa poder ni Holiday o Deyow. Ngunit, sa kabila nito, ay naroon rin ang kasiyahan sa kanya, dahil makakasama na niya ang kanyang tunay na ina.

Nang itanong nga sa dalagang aktres, kung may naging epekto ba sa kanyang pagkatao na stepmother niya ang nagpalaki sa kanya, at hindi ang kanyang biological mom niya, ay ito nga ang naging pahayag ni AJ.

“Wala naman ganoon sa akin. Hindi naman ako pinabayaan or inapi at naiintindihan ko ang lahat kung bakit nangyari ‘yon’, sey ng ani AJ.

Ibinahagi rin ng dalagang anak ni Jeric Raval, na sa naging paglipat niya sa poder ng kanyang biological mom ay agad ring naging maayos ang kanilang samahan, na tila nga magbarkada lamang sila nito. Upang makabawi nga sa ilang taon na hindi sila nagkasama, ay pinagbigyan at sinuportahan siya ng kanyang tunay na ina sa mga bagay na kanyang gusto.

Tinatanaw ngang malaking utang na loob ni AJ sa kanyang ama na si Jeric at sa legal wife nito na si Holiday, ang unconditional love na ipinaramdam ng mga ito sa kanya, lalo na sa pagmamahal na ipinaramdam ni Holiday sa kanya, sa naging pagtrato nito sa kanya na parang tunay nitong anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *