Zsa Zsa Padilla, binisita ang puntod ng kaniyang asawa na si King of Comedy Dolphy Quizon

Sino nga ba ang makakalimot sa nag-iisang Comedy King na si Dolphy na lahat tayo ay napangiti, napaiyak at napatawa sa kaniyang mga pelikulang Pilipino.


Image courtesy: Zha-zha Padilla/Instagram

Hindi matatawaran ang kaniyang naging kontribusyon sa kaligayahan ng bawat Pilipino. Kaya naman noong ito ay pumanaw ay maraming mga kababayan natin ang nagluksa at nalungkot.


Image courtesy: Zha Zha Padilla/Instagram

Tanging sa telebisyon nalang natin mapapanuod at masisilayan ang kaniyang magandang ngiti. Hindi lang ang masang Pilipino ang nalungkot sa pagpanaw ni Dolphy, kundi pati narin ang kaniyang naiwang pamilya.


Image courtesy: Zha Zha Padilla/Instagram

Makikita sa Instagram post ni Zsa-Zsa ang kaniyang pagdalaw sa puntod ng kaniyang yumaong asawa. Noong Huwebes ay makikita ang isang sikat at aktres na nagbahagi ng isang larawan kung saan ay makikitang binabaybay niya ang The Heritage Memorial Park na matatagpuan sa Taguig City.


Image courtesy: Zha Zha Padilla/Instagram

Makikita sa isang larawan kung saan ay may hawak na mop habang naka pose sa gilid ng puntod ng kaniyang asawa na mayroong mga puting bulaklak na nakapatong sa taas nito at mga kandilang nakalagay sa unahan.


Image courtesy: Zha Zha Padilla/Instagram

Sinabi ni Zsa Zsa sa kaniyang post na sa unang beses sa loob ng walong taon, ay hindi siya nakapaglagay ng mga bulaklak sa puntod ng kaniyang asawa tuwing “Araw ng Patay” at Pasko at sa ngayong day off niya ay nakapaglaan siya ng oras para linisin ang puntod ng kaniyang asawa kasama ang kaniyang driver.


Image courtesy: Zha Zha Padilla/Instagram

Panalangin ang tanging hinihiling ni Zsa Zsa sa mga tao para sa nalalapit na ika-9 na death anniversary ni Dolphy ngayong buwan ng Hulyo. Si Rodolfo Quizon o mas kilala na Dolphy ay namatay noong Hulyo 10, 2012 sa edad na 83.


Image courtesy: Zha Zha Padilla/Instagram

Si Dolphy at Zsa Zsa Padilla ay magkasama sa loob ng 23 taon. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Nicole at Zia.


Image courtesy: Zha Zha Padilla/Instagram
Marami sa mga netizens ang namangha sa walang kupas na pagmamahal ni Zsa Zsa sa kanyang yumaong asawa na si Dolphy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *