Walang kupas ang kagwapuhan ng aktor na si Jerry Yan o mas kilala bilang Dao Ming Si sa telenobela na Meteor Garden

Natatandaan mo pa ba ang kinababaliwan at kinakikiligang telenobelang Meteor Garden noon? Kung saan isa sa mga bumida at bumihag sa puso ng maraming mga Pilipino ay ang Taiwanese star, mang-aawit at isang modelong si Liao Yang Zhen.


Image courtesy: JerryYan143/Instagram

Mas kilala sa tunay na pangalan niyang Jerry Yan na kung saan ay gumanap bilang si Dao Ming Si, ang pinakamayaman, sikat, leader ng kanilang grupo at ang katambal ni San Chai.


Image courtesy: JerryYan143/Instagram

Ang nasabing telenobela ay ipinalabas sa Kapamilya Network at isa ito sa nagbigay ng malaking rating sa nasabing network. Taong 2001 nang ipalabas ito ng Kapamilya Network, na kung saan ay talaga namang pinapanood at sinusubaybayan ng maraming kabataan bago pa umere ang “TV Patrol”.


Image courtesy: JerryYan143/Instagram

Talaga namang hindi ito malilimutan ng maraming mga Pilipino, kaya naman kahit mga kanta nito at mga linyahan ay talaga namang saulo at pinapatugtog ng mga baliw na baliw sa telenobelang ito.


Image courtesy: JerryYan143/Instagram

Hindi lang yan ang hindi malilimutan ng mga manonood dahil pati mga karakter ng nasabing telenobela ay talaga namang saulado ng mga manunuod, at isa na rito ang karakter ni Dao Ming Si na talaga namang bumihag sa puso ng mga manunuod.


Image courtesy: JerryYan143/Instagram

Kamusta na kaya si Dao Ming Si? Kung ating titingnan ay talaga namang taon na din ang lumipas simula ng mapanood natin ang Meteor Garden. Dahil taon na ang lumipas at kung ating susumahin ay nasa 42-taong gulang narin si Dao Ming Si.


Image courtesy: JerryYan143/Instagram

Ngunit kung ating titingnan ay taon lang ang lumipas pero ang kakisigan ng nasabing aktor ay nanatili pa rin at patuloy pa rin niya tayong pinapahanga.


Image courtesy: JerryYan143/Instagram

Makikita sa kaniyang mga larawan na parang hindi ito tumatanda, dahil sa taglay nitong kagwapuhan at pagkakaroon ng matipunong pangangatawan na hanggang ngayon ay talaga namang kakikiligan pa rin ng maraming Pilipino.

Kung ating pagbabasihan sa survey ay iisa lang ang kanilang sasabihin na bago pa man lumabas ang mga naggwagwapuhang Korean aktors ay talaga namang una nilang minahal at kinakiligan ang mga gwapong Taiwanese aktor na kanilang nakilala at bumuo sa Meteor Garden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *