Vicki Belo at Hayden Kho Ibinahagi ang Kanilang Masayang ‘Holiday Vacation’ sa Africa

Ang mag-asawa na sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho ay kilalang-kilala na sa mundo ng showbiz. Pati na rin ang kanilang nakakaaliw na anak na si Scarlet ay mulat na rin sa industriya ng showbiz.




Sa kabila ng maraming intriga na kinasangkutan noon ni Dr. Hayden ay nagawa niya pa rin ang magkaroon ng maayos na buhay kasama ang kaniyang asawa. Kaya ngayon ay nag-eenjoy silang mag-asawa kasama ang nakakatuwa nilang anak.

Dahil mahaba-haba ang holiday season ngayon ang pamilya ni Dr. Vicki Belo ay nagdaos na kanilang bakasyon sa Africa. Ang mag-asawa ay nagbahagi ng kanilang mga larawan sa Instagram ng kanilang mga kuhang larawan ng bakasyon nila sa Africa.

Sa isang video ni Scarlet na pinost niya sa kaniyang Instagram, nakatingin siya sa mga wildlife na nasa Masai Mara National Reserve sa Narok, Kenya.

Itong video na ito ay kuha ng kaniyang mommy at daddy, sabi ni Scarlet sa kaniyang video “Hello everyone, I’m in Africa and can you see what’s behind me? They are all giraffes and because it’s New Year all the giraffes gathered together.

“Dagdag pa na caption ni Scarlet sa kaniyang video post, “Hi, peoples. Even the animals here in Masai Mara are having a reunion for the New Year. I know we can’t gather together yet but we can all call each other, right?”

Nag-post din si Dr. Vicki Belo ng kanilang video, kung saan kumakain sila ng kanilang tanghalian sa labas habang naririnig ang ingay ng mga zebra.




Sa isang larawan na pinost ni Dr. Vicki, makikita na natutulog si Scarlet habang meron silang sweet moment ni Dr. Hayden Kho. Ayon sa caption ni Dr. Vicki, “Being surrounded with nature and this beautiful scenery truly brings out loving feelings for each other.”

Sa isa pang sweet moment nila na larawan kung saan nakasakay sila sa isang adventure truck na may caption na,

“As they say, be with someone who is both home and all adventurea at once, grateful for you everyday”.

May isang nakakaaliw na larawan si Scarlet na kaniyang ipinakita ang paggamit niya ng kaniyang telescope.

“2021 is coming closer and closer (I can already see it through my telescope!) I know it’s going to be better because people like us will be kinder and more prayerful. Do you agree?” ayon pa kay Scarlet.

Sa post ni Dr. Hayden sa kaniyang Instagram, sila ay ang nagdiwang ng Noche Buena sa Pilipinas kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Ito ay may caption ni Dr. Hayden, “It’s a Swiss Noche Buena for our family this year, everything was wonderful and being with family made it complete, we miss you Hunter and Seina”.