Vice Ganda, Nakalipat na sa Kanyang Bagong Mala-Hotel na Bahay

Magandang tanawin mula sa kanyang bagong bahay na puno ng mga functional arts pieces ang naging tanawin ni It’s Showtime host Vice Ganda sa pagsalubong niya sa Bagong Taon 2021. Ito nga ay dahil bago pa man ang desperas ng Bagong Taon, ay nakalipat na si Vice sa kanyang bagong bahay, na may disenyong modern at industriyal.




Matatandaan na unang ipinasilip ni Vice ang kanyang bagong bahay sa pamamagitan ng isang virtual tour, noong buwan ng Oktubre 2020, kung saan ay wala pa itong masyadong kagamitan, at may ilang bahagi pa na tinatapos sa konstraksyon ng bahay.

Ngunit ilang buwan ang makalipas, sa unang linggo ng taong 2021, ay muling nagbigay “update” si Vice Ganda sa kanyang bagong bahay, at ito ay sa pamamagitan muli ng isang virtual tour na kanyang ini-upload sa kanyang YouTube channel.

Kasa-kasama ni Vice ang kanyang tatlong malalapit na mga kaibigan sa paglilibot niya sa kanyang bagong bahay, at ang mga ito nga ay sina Negi (nakasuot ng yellow shirt), Orle (naka-black) at Kitty (naka-silver).

Pagpasok na pagpasok pa nga lamang sa bagong bahay na ito ni Vice, ay agad ng sasalubong sa mga bisita ang napakaraming nakamamanghang kagamitan at mga bagay sa living area.

Ayon nga kay Vice, ang living area sa kanyang bagong bahay, ay maikukumpara niya sa disenyo ng isang lobby ng magagara at malalaking hotel, dahil sa talagang napakalawak nito, at ang mga bintana nito, ay mula sa floor hanggang ceiling.

Kamangha-mangha rin ang napakaganda at mamahaling chandelier na nagbibigay liwanag sa living area ng bahay ng Tv host. Napakalamig rin sa bahaging ito, dahil san aka-centralized ang aircon dito.




Ilan pa nga sa makikita sa living area, ay ang mga functiona art pieces, tulad ng “standing couch” at “geometric art piece” na nagsisilbi ring isang upuan, na sinubukan pa ngang upuan ni Negi.

Mas naging sentro naman ng atraksyon sa living area, ang pigura ng malaking kabayo, na ayon kay Vice ay isang “horse lamp”, kung saan ito ang nagsisilbing ala-ala kay Vice, ng kanyang kauna-unahang first-hit movie, ang bersyon ng pelikulang “Petrang Kabayo”, na ipinalabas noong taong 2010.

Isa pa nga sa talagang nakamamangha at nagbibigay atraksyon sa bahaging ito ng bagong bahay ng It’s Showtime host, ay ang isang “wall” na may napakalaki at detalyadong larawan ng isa sa pinakamagandang lugar sa bansang New York, ang “Brooklyn Bridge.”

Samantala, ng mapadaan naman ang grupo ni Vice sa hallway, ay nadaanan nila ang “elevator” ng bahay, na ayon sa celebrity host, kaya niya ipinalagay ito, ay para sa kanyang ina. Dagdag pa ni Vice, ay via fingerprints scan lamang pwede ma-access ang elevator na ito.

Matapos nga sa living area, ay dumiresto si Vice at ang kanyang mga kaibigan sa “den”, na siya namang nagsisilbing entertainment room at conference room.




Sa naturang bahagi ng bahay na ito, ay makikita ang mga parangal at tropeyo ni Vice, na sa sobrang dami nito, ay nagpapatunay kung gaano na nga katagumpay ang star comedian-host bilang isang celebrity.

Nakakamangha din naman sa laki at gara ang modernong ding room ng bahay na ito ni Vice, dahil sa napakagandang chandelier na makikita dito, na nagsisilbing ilalw sa kanyang 12-seater glass dining table.


Ibinida naman ni Vice, pagdating sa ‘clean kitchen’ na nagpalagay siya ng “dumbwaiter”, ang device na ito, ay nagsisilbing tila isang maliit na elevator, na tamang-tama lamang paglagyan ng pagkain, na idedeliver sa mismong silid ni Vice.

Hindi rin naman pinalampas ni Vice ang pagkakataon na ipakita, ang pool at spa area sa kanyang bagong bahay, kung saan may katabi pang jacuzzi ang pool na kanyang ipinagawa.
Mayroon namang sauna, sa loob ng spa room ng bahay na ito ng It’s Showtime host.

Samantala, noong unang ipakita ni Vica ang kanyang bagong bahay, ay hindi pa gaanong tapos ang “outdoor space” kung saan ipinalagay ng komedyante ang kanyang “bar area”, upang sa ganoon, sa tuwing may mga kaibigan siyang bibisita, ay mayroong mapagtatambayan ang mga ito, habang naliligo sa pool, o di kaya naman ay nagpa-spa.

Hindi pa nga kasama sa mga ipinasilip ni Vice sa bagong vlog niyang ito, ang kanyang master’s bedroom at walk-in closet, kaya naman talagang kaabang-abang muli, ang magiging bago niyang update, dahil panigurado na nakakamanghang muli ang disenyo at hitsura ng iba pang bahagi ng kanyang tahanan na hindi niya pa ipinapasilip sa publiko.